THIRD PERSON'S POV "PALPAK KA!!!!!" Malakas na sigaw ng God of all evil sa maliit na nilalang. "Patawad na, your wickedness!" Sagot ng Imp na hinarangan ang sarili gamit ang pinag-exis na braso. "Nuknukan ka naman talaga ng kabobohan ano? Ang sabi ko kaluluwa ni Myera Drashiere!!! Hindi ko sinabing Norm Drashiere!!" Walang mapulot na maaaring ibato ang kanyang panginoon kaya pinagsisipa na lamang noto ang kanyang alagad. "Ano po bang problema? Hindi ba't pareho naman silang Drashiere?" Napahilamos ang God of all evil sa tanong na iyon ng Imp. "Tanga!!!! Magkaiba sila! Babae yong isa at lalaki yong isa." Napakamot ang Imp sa pagkapilosopo ng pinaglilingkuran. "Iyong Norm na yun ay masiyadong mababaw ang kasamaan, parang 'yong pag-iisip niya, napakababaw." Tinutukoy nito ang mga kap

