Chapter 3

1393 Words
Max's POV "Ayaw mo?" Tinaasan nia ako ng kilay. Ganda sungit lang talaga. Problema nito? "May narinig ka ba Jul na tumanggi ako?" Patay malisya kong tanong kay Julia na alam ko namang walang paki. Kitam di man lang sumagot. Hayyy "Good." sabi ni mahal at tumayo na. Akala ko aalis na. Ai di pa pala tapos kasi bigla syang tumingin kay Ara yun yung name ng babae na tinulungan ko kanina. Maganda rin naman sya mga 5'6 ang taas medjo morena. Pero mas maganda pa rin si Angel na tindig nyang 5'8 akalain mong model sa gandang lumakad. Hayyyy "Hey you. Anong course mo?" Tanong nya kay Ara. "Bakit po?" Pinigil kong matawa, nag 'po' sya kay Angel. "Medtech sya Angel." ako na ang sumagot kase nakita kong naningkit ang mga mata ni Angel. Hayy sungit. "Ikaw ba abogado nya? Bat ikaw ang sumasagot?!!!" Mataray na sabi nito. Sumubo nalang ako na spaghetti. Gutom pa ako. Dalidali kong inubos yung pagkain ko at hinila si Angel sa table nila. Nagpaalam muna ako sa mga kasama ko bago umalis. "Yow guyz, hatid ko lang ang reyna baka mawala." sabi ko sa mga friends ni Angel. Nagsmile naman sila sa akin. Tiningnan ni Bruno si Angel yung bakla nyang friend sabay kindat. Weird nya ha. Binato naman sya ni Angel ng tissue at yumuko. Mainit ba bat namumula yata sya. Well maputi kasi kaya siguro sensitive. "Punta nalang ako sa bahay nyo mamaya Angel para kunin yung erereport mo." sabi ko. "Anong report?" Tanong ni Nika yung cute nyang kaibigan na parating may red headband. "A- ano yung sa sa major natin". Nauutal ba sya?. Nakita ko naman na pinandilatan nya ng mata si Nika. Ang ganda parin. Para talaga sa akin lahat na ata sa kanya maganda. haayyy "Aaaahhhh yun ba!" Tatango-tangong sabi ni Nika. "Sige guyz balik na ako dun baka malate na kami" . Paalam ko sa kanila. I smile ng tumingin si Angel sa akin. ___ "Julia pwedi ba wag ka ngang magulo pupunta pa ako kina Angel. Alam mo naman yun malate lang ng konti sa pinagusapan bubuga na ng apoy".. sabi ko sa bestfriend ko na nakayakap sa akin dahil ayaw nya akong paalisin. Gusto kasi nyang magpasama bumili ng gift para kay Joseph. Di parin kasi nag babati.. hayyy Andito kami sa bahay ngayon. Simply lang ang bahay namin yung pang ordinaryong pamilya lang talaga may sala kusina garahe at tatlong kwarto. Wala pa si Mama at Papa tapos si Ate naman nasa work pa rin. "Ughhh i hate you! That devil is such a monster!!! " sigaw nya. Hayyy bat ba hindi pa sila magkasundo. Para talagang mga bata! "Best naman nauna syang magsabi kanina di ba?" Alo ko sa kanya. "Tsaka bat ba kelangan pa ng gift yang si Joseph, halikan mo nalang kaya para patawarin ka na nya" pa tawa tawa kong sabi. "Perv! Hello kung ganun kadali ginawa ko nah. Kaya lang iba galit yun eh hindi lang nagtatampo".. teary eyed nyang sabi. "Kay Mark ka nalang pasama please pretty please" puppy eyes kong sabi with pouty lips. "Pangit mo. Alis na nga ako. Tama yun nalang estorbohin ko para makaganti ako sa pagtawa nya sa akin habang umiiyak ako" sabi nya with evil laugh. May tama rin kung minsan talaga. Hayyy Pagkaalis ni Julia ako naman ang umalis para pumunta kina Angel. Tenext ko muna sya na papunta na ako. "Hey love papunta na ako jan :*" send. Pumasok na ako sa kotse. Tumunog yung phone ko may reply. "Bwesit kanina pa kita hinihintay dito!". Walang kasweet-sweet nitong reply. Ibubulsa ko na sana ang phone ko ng tumunog ulit. "Take care". Di ko napigil ang pagsilay ng ngiti sa labi ko. ________________________ Pinark ko na ang kotse sa labas ng gate nila at nag doorbell ako. Binuksan ako ng guard nila si mang roger. "Hi po manong" bati ko sa kanya. "Oh hija ikaw ba ang bisita ni senyorita? Kaya naman pala maganda ang ngiti nun eh." Sabi ni manong. "Ha? Po? Hehe kayo tala----" di ko na natuloy may bigla kasing humila sa akin. "Stupid! Bat hindi ka agad pumasok? Nakipag chismisan ka pa dun." Nasa sala na kami. "Teka nga, ikaw ang may kelangan ha bat nagagalit ka na naman. Binati ko lang naman si manong" .. sabi ko na ikinabigla nya. Nagsisi naman kaagad ako dahil nakita kung umiwas sya ng tingin. "Fine. Kung napipilitan ka lang naman umalis kana!.. " nag walk out kaagad at pumanhik sa hagdan. Haistt naman eh. Hinabol ko agad sya. Hinawakan ko ang braso nya na papasok na sana sa kanyang kwarto. "Sorry na Angel di ko sinasadya yung sinabi ko" sabi ko. " saan na yung erereport mo? Kunin ko nah". I smiled baka mawala ang inis nya. Inirapan lang nya ako at hinablot ang braso nya. Sumunod akong pumasok sa kanyang kwarto. "Upo ka muna hanapin ko lang" padabog na sabi nya habang hinahalungkat ang mga books sa kanyang study table. Nilibot ko ang mata ko sa kwarto nya. Babaeng babae talaga. Cute. Biglang may nakatawag pansin sa mga mata ko tumayo ako para kunin. Akmang hahawakan ko na sana nang---. "What are you doing?" Tanong nia at tinakpan ang bagay na yun. "Familiar lang kasi yun parang nakita ko na dati".. sabi ko. "Ahmmm baka imagination mo lang yun" sabi nya na iniiwas ang mata sa akin.hmmm weird. "Oh san na?" I ask her. "A-ano naisip ko ako nalang pala ang gagawa kasi baka magtanong pa si prof di ako mkasagot".. sabi nya. Pinaiikot nya ang balikat ko tsaka ako tinulak ng marahan papuntang pinto. "Baba muna tayo, i bake some muffins".. i instantly smile. Wow paborito ko yun! __________________________ Pagkababa namin binati kaagad kami ng mga maids nila. "Ya ipaghanda mo po kami ng merienda dun nalang kami sa may pool" sabi ni Angel sa isa sa mga maids. Umupo na ako nakaharap sa kanya. "Saan daddy mo?" I ask her. Matagal ko nang di nakikita si sir Alfred, yun ang tawag ko sa kanya. "Busy" walang gana nyang sagot. Dumating na ang merienda namin. Kumislap ang mga mata ko sa nakita kong chocolate muffins. Wow. Sarap! "Ubusin mo yan. Ako nagbake nyan". Naka smile na sabi nya. Di na ako nagpakipot at kumain na ako. "Thanks. Uubusin ko talaga to." sabi ko habang uminom ng orange juice. "Asljsghdf" bulong nito. Ha?? "Sabi mo Angel?" I ask her di ko kasi na intindihan. "Sabi ko kumain ka na dami mo pang sinasabi eh. Ano masarap? Ai wag kanang sumagot. Alam ko masarap..haha " walang preno nyang sabi sabay tawa ng maarte. Haayy Habang kumakain ako ramdam kong may nakatingin sa akin. Inangat ko ang mukha ko at yun nga nahuli ko si Angel nakatitig sa akin. Bigla naman syang nag iwas ng tingin. "Ehemp ehem" Angel cleared her throat . "Hey bakit kasama mo pala yung b***h na yun kanina sa cafeteria?" ..She ask. Napakunot naman ang noo ko. b***h?? Si Ara ba tinutukoy nya? "Si Ara?" Tanong ko. "Wow nagkakilala na pala talaga kayo ah. So ano gusto mo na sya? Sabihin mo lang kung gusto mo na yun. Ah tama kaya siguro pinagtanggol mo sya kanina kasi may crush kana sa kanya noh? Ano? " sabi nya pero parang nagulat naman sya sa kanyang mga sinabi dahil lumaki ang mata nya at umiwas ng tingin. "Nagseselos ka ba?" I suddenly ask her pero deep inside joke lang yun. Alam ko naman kung ano lang ang status namin. Magkaibigan! "Kapal mo noh? Bakit naman ako magseselos. Excuse me? Sa ganda kong to San Jose talaga lakas ng hangin mo noh" sabi nia sabay flip ng hair. 'Defensive' sabi ko sa sarili. "Oo nah alam ko maganda ka" sabi ko "Angel uwi na muna siguro ako kasi baka dumating na sila Mama".. tatayo na sana ako ng hawakan nya ang kamay ko. Tiningnan ko sya. "Why?" I ask her "A-ah wa wala. Sige uwi kana" binitawan na nya ang kamay ko. Hayy ang lambot talaga ng mga kamay nia sarap mkipag holding hands parati. "Okay thank you sa merienda, if ever may kelangan ka about sa mga projects mo sabihin mo lang ok" .. tumango lang sya. Tumayo na rin ako. Hinatid nya ako sa labas ng gate. "Bye, uhmmmm" sabi nya. Parang may gusto syang sabihin. "Ok bye pasok ka na" i open the door. Papasok na sana ako pero nagsalita ulit sya. "Magtext ka kung nakauwi kana" sabi nya sabay pasok sa gate. Di na ako nakasagot. Pumasok na ako sa kotse at umuwi nang bahay na nakangiti. Lakas talaga ng epekto nya sa akin! ☆★☆
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD