Max's POV
Lumingon ako para harapin si Sir Alfred. Sumunod ako sa kanya sa labas sa may swimming pool nila.
Umupo kaming dalawa na magkaharap. Nakayuko lang ako habang nakahawak sa mga tuhod ko.
"Look at me Maxwell" seryoso ang boses nito "we've talk about this already right?"
Nag-angat ako ng tingin!
"Opo Sir. Wag po kayong mag alala wala naman po akong ibang ginagawa". Sagot ko sa kanya.
"Yeah i know. May isa kang salita ganun din ako kaya alam kong wala akong dapat ipag alala. Tama ba ako?" .. malumanay nyang tanong sa akin.
"Tama po kayo Sir Alfred. Hindi ko po yun nakakalimutan".. magalang kong sagot.
"Bakit ka nga pala nandito pa. Wala namang sinabi si Angelica na dito ka matutulog". Nagtataka nyang tanong.
"Ah nagpatulong po kasi sya at late na kaming natapos kaya sabi po nya dito nalang ako matulog dahil gabi na rin masyado".. sagot ko.
"Ah ganun ba. Well i think nagkaka intindihan naman na tayo at malaki ang tiwala ko sayo Maxwell tandaan mo yan".
"Opo Sir. Salamat sa tiwala".
"Ok gabi nah. Matulog ka na". Nauna na itong pumasok sa loob ng bahay at ako naman naiwang nag-iisip ng malalim.
Hayyy napa facepalm ako bigla. Nang-lulumo akong umakyat ng kwarto.
Napa buntong hininga ako at inalala ang mga nangyari noon.
*Flashback*
7 years ago
Kelangan namin umuwi muna sa probinsya dahil nawalan ng trabaho ang mga magulang ko. Nag sara ang pinapasukan nilang kompanya.
Nakaupo ako sa labas ng bahay ng lolo ko dito sa probinsya. Maraming tanim na mga mangga kaming nadaanan kanina nila mama habang papunta kami sa bahay nila lolo at lola.
"Anak aalis muna kami ng lolo mo. Sasamahan ko sya sa hacienda para na rin makita ko ang mga tito mo". Paalam ni Papa. Teka gusto ko rin makita ang hacienda.
Sabi nila marami daw pananim doon.
"Pa sama ako please". Nababagot na ako dito. Miss ko na ang mga kaibigan kong sina Mark at Julia. Hayyy
"Oh sige basta hindi ka maglilikot dun ha. Ayaw ko ng pasaway na bata Maxwell". Nakangiti naman si papa. Yes makakapasyal na rin ako.
"Pa di na ako bata. 11 years old na kaya ako" maktol ko kay Papa. Di na ako baby noh.
"Hahaha tama binata ka na pala" si papa talaga nagbibiro na naman. Hayy
"Ikaw talaga William ginawa mo pang lalake itong apo ko" sabi ni lola na hinimas ang buhok ko na maiksi.
Nagpagupit kasi ako bago kami umalis sa maynila kase naiinitan ako sa mahaba kong buhok.
"Sya sya tama na yan tayo na William baka naghihintay na sila Manuel sa taniman". Aya ni lolo sa amin. Pinabaonan naman kami nila Mama at lola ng pananghalian.
Wow ang ganda dito andami pang mangga. Naglakad lakad muna ako habang nag uusap naman sila Papa at mga tito ko.
"Ang ganda talaga dito" nilibot ko ang mata ko sa hacienda. Ang lawak at ang daming panamin.
Hindi naman siguro magagalit si Papa kung mamamasyal muna ako. Babalik din kaagad ako. Napangiti ako sa naisip.
Kinuha ko ang aking yo-yo sa bulsa at naglaro. Binili sa akin ni ate nung 9 years old pa ako, lahat ng gamit ko iniingatan ko para hindi agad masira.
"Wow ang tamis siguro nun" may nakita akong mangga na hinog. Binalik ko muna sa bulsa ang aking yo-yo para umakyat sa puno.
Umakyat ako sa mataas na parte ng puno at inabot ang hinog na mangga. Yes sarap nito!
Pababa na sana ako ng may mapansin akong mga lalake sa may ilog. Lima sila yung 3 mukhang kaedad ko lang yung isa naman parang kaedad ni ate at isang mukhang kasing tanda ni Papa.
Bumaba ako at sumilip. Pumwesto ako sa likod ng puno ng narra malapit sa kanila.
'Sila siguro ang may ari ng hacienda' sabi ko sa sarili. Mukha kasi silang mayayaman.
Nakita kong umalis ang may edad na lalake kasama ang panganay sa mga kasama nito.
"Samahan mo muna ako Alfonzo. Naiwan ko ang tent sa sasakyan". Dinig kong sabi ng matanda.
"Ok dad. Miguel don't go too far. Bantayan mo si Lorenzo at Rafael". Sabi nung Alfonzo yata.
"Yeah yeah" sigaw nung Miguel.
Umalis na sila at naiwan ang tatlo.
Abala si Miguel sa pamimingwit kaya hindi nya siguro napansin na lumusong sa ilog ang dalawang nakakabata niyang kasama at naligo.
Lumapit ako sa ilog. Medjo malayo sa kanila. Nakatingin lang ako sa ginagawa nila ng nakita ko ang ulo ng isa nilang kasama sa ilog ngunit wala na yung isa pa.
Tumayo ako para tingnan. Kumaway ang isa sa kanila na parang nalulunod.
Teka anong gagawin ko. Lumapit ako kay Miguel.
"Hoy tulungan natin yung kasama mo mukhang nalulunod". Dali dali kong sabi dito.
"Ano? Nalulunod? Sino? Saan?" .. natataranta nyang tanong.
"Ayun sila" turo ko dito "bilis nah".. tumakbo kami sa direksyon nila. Lumangoy ako sa malalim na parte mabuti nalang talaga lumalangoy kami sa swimming pool nila Mark kaya sanay ako.
Hinila ko pataas ang nakakabata sa kanila at yung isa naman hinila ko gamit ang isa ko pang kamay.
Ang bigat! Kinampay ko ng mabilis ang mga paa ko. Nakatayo lang si Miguel na parang shock sa mga nangyari. Saktong dumating ang matanda at si Alfonzo dali dali nila akong tinulungan makaahon.
Hiniga namin ang dalawa. Umiiyak si Miguel sa gilid at napaupo naman ako sa pagod.
"Da-dad i-im so so sorry" natatarantang sabi ni Miguel.
"Come on Lorenzo lumaban ka!!!". Sabi ng Ama nila sabay pump sa dibdib nito.
"Raffy please. Come on bro". Pump rin sa dibdib ni Alfonzo sa kapatid nito.
"Uhuh uhuh uhuh" umuubo na niluwa ni Rafael ang tubig. Agad naman itong niyakap ni Alfonzo.
"Thank God! Rafael!" Umiiyak na sabi nito.
"Anak! Lorenzo come on son!" Ginamitan na ito ng cpr ng Ama.
"Ha! Ha! Ha!" Napamulat nang mata si Lorenzo at bumuga ng malalim na hininga.
Nagyakapan silang apat. Nakatayo pa rin si Miguel at iyak ng iyak.
"Miguel halika dito" nangingiyak na sabi ng Ama nito at niyakap siya ng mahigpit.
"Sorry dad. Im so careless" patuloy pa rin sya sa pagiyak. Niyakap na rin nya ang mga kapatid.
Tumayo na ako para umalis. Mabuti at walang nangyaring masama sa kanila.
"Excuse me lady?" Tawag sa akin ng kanilang Ama.
"Paano ba kita mababayaran? Napakalaki ng utang na loob ko sayo. Sabihin mo lang ibibigay ko". Nagsusumamo nitong sabi. Tumingin ako sa mga mata nya.
"Hindi naman po ako humihingi ng bayad Sir ang mahalaga walang nangyaring masama sa kanila" ngumiti ako sa kanya.
Gumanti rin ito ng ngiti sa akin.
"You're such a good person. Pero hindi ko matatanggap yan basta sabihin mo kung ano man ang kelangan mo o gusto mo at ibibigay ko". Seryoso syang tumingin sa akin.
Umiling ako!
"Wala po talaga sir". Sabi ko, sumulyap naman ako sa magkapatid na nakatayo narin sa likod ng ama nila.
"Ok ok. Ano na lang ang pangalan mo?" Tanong nito.
"Maxwell San Jose po sir" nilahad ko ang kamay ko sa kanya para makipag kamay.
"Tatandaan ko ang pangalan mo Maxwell" tinanggap niya ang kamay ko at ngumiti.
"Sige po alis na ako baka hinahanap na ako ng papa ko" . Paalam ko sa kanila. Nag paalam rin ako sa magkapatid.
Nagulat naman ako ng yakapin ako ni Lorenzo at Rafael.
"Thank you. I will never forget you" nkasmile si Lorenzo. Masasabi kong gwapo silang lahat katulad rin ni Mark.
"Sige alis na po ako".. nag wave naman si Alfonzo sa akin.
Mukhang naligaw pa atah ako. Hayyy!
Natuyo na tuloy ang damit ko.
'Teka si Jun Jun yun at Rowel ah' nakita ko ang mga kapitbahay namin na mukhang mga unggoy at ang baho pa.
Mga sira ulo yun ah may babae pang hinahatak. Mabilis akong tumakbo papunta sa kanila.
Rinig ko ang pag iyak nito. Bigla kong kinuha ang yo-yo ko at binato si Rowel, nagpa blonde pa talaga ng buhok ang pangit!
"Ha? I dont know what your talking about and im not ----". napatigil ito sa pagsasalita.
Galit na galit naman sa akin si Junjun dahil sa pakikialam ko.
Sumulyap ako sa babae at bigla akong na starstruck. Sobrang ganda! Ngayon lang ako humanga ng ganito sa babae.
Marami naman akong nakita sa school na magaganda pero iba talaga to. Parang artista sa ganda at ang puti pa.
Tomboy nga siguro ako! Hayyy
Hindi ako nagpahalata at pinaalis na ito. Galit na galit naman ang dalawang sira ulo sa akin.
"Senyorita senyorita senyorita" sigaw nang isang babae.
Tumakbo na ang dalawang ugok. Tiningnan ko naman ang magandang babae sa harap ko.
"I hope to see you again" di ko napigilang sabihin sa kanya. Mabilis akong tumakbo at hinanap si Papa.
Whew ang daming nangyari sa araw na to. Di ko to makakalimutan!
*End of Flashback*
________________________
Maaga akong nagising! Naghilamos lang ako at nagbihis ng damit. Di ko na hinintay na magising si Angel. Nagbilin nalang ako kay Manang dahil kelangan kong mkahabol sa simbahan.
★