#1 First Love
2009 Nian 2 yue 1 ri
(February 01, 2009)
Zhe jiushi wo de shenghuo gushi, zai women jia fasheng yiwai zhiqian, wo rengran hen kaixin.
(This is the story of my life, when I was still happy before something unexpected happened to our family.)
Ta shi wo de mi xie er, ta shi wo de chulian, wo juede wo de xintiao bi zhengchang xintiao kuai, cong na shi qi ta cong ta juzhu di meiguo dao feilubin dujia. Wo zong shi yuan yuan di kanzhe ta. Dang wo kanzhe ta shi, wo zai xuanyao wo buxiang yao ta, jishi wo zhen de xiang yao ta.
2008 Nian, wo ai shang ta, xiang ta biaobai, ta jujuele. Zhidao jiejie mei xiangdao chengwei xin sui de yuanyin, shiqule yu qianren jiaren de lianxi.
(She was my Mitchelle, she was my first love that I feel my heart is faster than normal heartbeat of my heart and from then on when she was vacation to the Philippines from America, where she lived. I always look at her from afar. When I look at her I'm showing off that I do not want her even if I really want her.
In 2008, when I fell in love with her and I confesed my feelings to her but, she rejected it. Until my sister did not expect to be the cause of heartbreak and lost her communication with family of her ex.)
Siya lang ang babaeng nagpagulo sa isip at puso ko.
—
The present...
Year 2029
Nahahapo akong sumandal sa sofa nang makauwi kami sa mansyon. Sinamahan ng asawa ko ang dalawang anak namin papunta sa kwarto nila.
Nagkita ulit kami ni Chielle at nang makita ko siya ay bumilis ulit ang t***k ng puso ko. Ang paligid ay biglang huminto katulad lang noong una ko siyang makita noong ipakilala siya sa akin ng kapatid ko.
Tumayo ako sa sofa at naglakad ako paakyat sa kwarto namin ng asawa ko. Naabutan ko siyang nagpapalit ng damit niya. Lumapit ako sa isang cabinet at may kinuha sa loob ng box. Aalis na sana ako nang magsalita siya.
"Hindi ka pa ba matutulog?" tanong niya sa akin habang hindi siya nakatingin sa akin.
"Mamaya na siguro," aniko at lumakad na ako palabas ng kwarto namin.
Alam niya ang pangalan ng first love ko pero hindi pa niya ito nakikita. Naglakad ako pababa ng hagdanan at naupo sa sofa. Binasa ko ang sinulat ko sa notebook ko noon pagkatapos buklatin.
Pagkatapos niyon ay nakita ko ang asawa ko na nakahiga sa kama namin nang pumasok ako sa loob ng aming kwarto.
"Ano ang binasa mo sa sala natin kanina?" tanong niya nang tabihan ko siya.
Umayos ako ng pwesto sa tabi niya bago sumagot.
"Hindi naman importante," aniko sa kanya.
"Siya pa rin ba ang gusto mo kahit wala siya at kahit hindi siya ang kasama mo ngayon?" tanong niya bago siya tumagilid sa akin.
"Akala ko ba naiintindihan mo ako?" balik tanong ko nang hindi tumitingin sa asawa ko.
"Oo, pero sana naisip mo rin ang nararamdaman ko," aniya nang hindi humaharap sa akin.
Hindi ako nakasagot sa sinabi niya ng biglang bumukas ang pintuan ng kwarto namin.
"Dad!" sigaw ng anak namin na humahangos na pumunta sa tabi namin.
"Ni zenme kule, Odessa?" takang tanong ko sa anak ko na umiiyak nang tumabi na sa amin.
(Why are you crying?)
"Baba, wo zuo cuole meng," umiiyak na sabi ng anak ko dahilan para lumingon sa amin ang asawa ko.
(I had a bad dream, dad,)
"Wo de baoboo meng daole shenme?" tanong ko sa anak ko habang hinahaplos ang mahabang buhok niya.
(What does my baby dream about?)
"Namatay daw kayo sa isang trahedya ni mommy, dad naiwan kami ni Ophelia," wika ng anak ko napatingin siya sa akin.
Don't believe in your dream. You know that it's impossible for me and your mother to die because we will not leave you and your sister," aniko sa anak ko pinunasan ko ang pisngi nito na basa ng mga luhang tumulo mula sa mga mata nito.
Dad, pwede ba ako matulog sa tabi ninyo ni mommy?" nagsusumamong pakiusap ng anak ko.
Napatingin ako sa mata ng anak ko. Napansin ko na umiwas ito ng tingin sa akin. Bumuntong-hininga ito at umayos ito ng higa.
"Of course, you are our first baby–" naputol ang sasabihin ng asawa ko nang may sumabat sa kanya.
"How about me? Am I not your baby?" sabat ng isa pang boses.
Natawa na lang kaming dalawa ng asawa ko sa tanong ng isa pa naming anak.
Natawa na lang kaming dalawa ng asawa ko.
"Baby namin kayo ng ate mo, halika nga," tawag ng asawa ko sa anak namin na kaagad naman tumakbo papunta sa kama namin.
Nagkatinginan kaming dalawa ng asawa ko. Hinayaan namin matulog ang dalawang anak namin.
Kinuha ko ang notebook ko nang tulog na sila. Binuklat ko ang notebook at may dinagdag ako sa isang page.
Kamusta na kaya siya?
Kung hindi ko siya iniwan, ganito kaya kami ngayon? Naalala ko lamang kung paano ko siya nakilala noon.
Kung hindi ko siya iniwan, ganito kaya kami ngayon? Naalala ko lamang kung paano ko siya nakilala noon.
"Sana ay isipin mo rin ang nararamdam namin ng mga bata," wika ng asawa ko sa akin at niyakap niya ang aming dalawang anak.
Naiintindihan ko ang gusto niyang mangyari. Parte si Chielle ng nakaraan ko pero sobrang hirap nito kalimutan dahil ito ang una kong minahal.
Wo de chulian, Chielle
(My first love.)
Bumangon ako nang dahan-dahan at pumunta ako sa labas ng bahay namin. Umupo ako sa upuang bakal.
"Hindi ka ba makatulog?" tanong ng asawa ko sa akin mula sa likod ko lumapit siya sa akin.
"Hindi pa ako inaantok," aniko sa kanya.
"Kailan mo ba balak na ako naman ang mahalin mo at hindi na siya, Jeree?" tanong niya sa akin nang hindi tumitingin.
"I have no intention of forgetting her in my heart. I love you but I also love her," aniko na lang sa kanya.
"You love me? You love her more than you me, Jeree. Hindi dalawa ang puso mo para maging dalawang babae ang mahalin mo, hindi kami laruan na pagpipilian mo lang," sumbat niya sa akin.
Napatingin ako sa kaniya at nang magsasalita na ako ay tumalikod siya kaagad sa akin. Sinundan ko siya ng tingin bago ako nagbuntong-hininga.
"Mali man pero maayos din ang relasyon namin," wika ko na lang sa sarili at tumingin ako sa langit.
Bumalik na ako sa loob ng bahay nang tumunog ang hawak kong cellphone. Tiningnan ko kung sino ang tumatawag at napabuntong-hininga na lang ako nang makita ko kung sino ito.
It was Kuya Chie.
Calling...
Kuya (Chie): Jeree...
Jeree: Ni zenme da lai dianhua?
(Why did you get called?)
Kuya (Chie): Wo yaoqing nin canjia nin de zhi zi shengri, nin de fumu ye laizi zhongguo.
(I invite you to your nephew birthday, your parent is also coming from China.)
Jeree: Hindi ako sigurado kung makakapunta kami ng pamilya ko, kuya marami ako trabaho ginagawa sa kumpanya ngayon.
Kuya (Chie): Ganun ba, minsan ka na lang makita ng tatlo mong pamangkin, hindi siya pupunta sa birthday ng pamangkin niya dahil nandyan rin sila ngayon.
Jeree: Kuya!
Kuya (Chie): Hindi mo kasalanan ang lahat, Jeree nilayo mo lang siya sa kapahamakan.
Jeree: Aminin ko man, kuya ngayon kasalanan ko na muntik na siya mamatay noon.
Kuya (Chie): 'Wag mo sisihin ang sarili mo, Jeree isipin mo ang pamilya mo ngayon huwag ang nakaraan sinasaktan mo ang pamilya mo ng hindi mo namamalayan.
Hindi na naman ako makapagsalita sa sinabi niya.
Kuya (Chie): Minahal ninyo man ang isa't-isa pero hindi naging kayo. Kasalukuyang may asawa't anak ka na ngayon. Kung hindi nangyari 'yon ay wala sana sila ngayon sa buhay mo. Hindi ka sana magiging masaya.
Hindi na naman ako makapagsalita sa sinabi niya.
Kuya (Chie): Kung hindi kayo makakapunta, Jeree tawagan mo na lang ang pamangkin mo miss ka na niya.
Jeree: Sige, kuya.
Kuya (Chie): Magandang gabi, Jeree matulog ka na.
Jeree: Magandang umaga dyan, kuya.
Nang matapos ang tawag ng bayaw ko ay naglakad na ako nang tuluyan papasok sa loob ng kwarto.
Naabutan kong mahimbing na natutulog ang mag-iina ko. Iniisip ko kung ano kaya ang mangyayari kung hindi siya ang kasama ko at ang ina ng mga anak ko? Hindi ko rin lubos maisip.
Siguro nga, hindi talaga kami ni Chielle ang itinadhana na magkatuluyan. Napatingin ako sa kuwintas na suot ko nang biglang umilaw, iniisip din ba niya ako?
Humiga ako sa tabi ng anak ko habang hawak ko ang kuwintas na umiilaw.
Napanatag ang loob ko.
Tama man ang ginawa ko sa nakaraan para hindi siya mapahamak pero hindi naman siya ang napangasawa ko. Hindi ko maipaliwanag ang nararamdaman ng puso ko. Nanghihinayang ba ako o masaya ba ako ngayon sa buhay ko?
Pinikit ko ang dalawang mata ko at dumikit ako sa katawan ng anak ko. Natulog na lang ako habang hawak ko ang kuwintas namin. May ngiti ako sa labi nang may alaalang nanumbalik sa isip ko.