Chapter Twenty-nine: Pathetic! Obsess! Slut! Theo Monteverde's Point of View "What's up dude?" Napatingin ako sa kakapasok lang sa opisina ko. Napaikot ako ang mata dahil sa dumating. Guguluhin na naman ako ng mokong na ito. "Ikaw pala Henry." Ibinaba ko ang hawak kong folder. Siya naman ay umupo sa tapat ng office table ko at dumekuwatro pa. "Ano na naman ang sadya mo sa akin? Wala ka ba work?" tanong ko at natawa lang siya. "Ito naman, minsan lang ako pumunta dito sa office mo eh," sabi pa niya. "Alam mo, may napapansin ako sa iyo," sabi niya at napataas naman ang kilay ko sa sinabi niya. "Ano naman iyon?" tanong ko. Tinitigan pa niya ako ng ilang segundo, para bang may tinitingnan siya sa akin. Kapag puro kalokohan na naman ang sasabihin niya sa akin, itong mga papers

