Chapter Twenty-three: Father Meets His Son Ellaine May Frias' Point of View Napabuga ako ng hangin ng sabihin ng doktor na okay na si Ethan. Kailangan na lang niya ng pahinga. Halos malagutan ako ng hininga ng makita ko kung papaano mabangga ng kotse ang anak ko. para bang tumigil ang mundo ko ng makitang tumilapon ang anak ko. Pakiramdam ko nabunutan ako ng tinik dahil nasa maayos na kalagayan na si Ethan. Hindi ko mapapatawad ang sarili ko kung nalagay pa lalo sa alanganin ang buhay ng anak ko. May kapabayaan din kasi ako. Napaupo ako sa sofa, hindi kalayuan sa kama ni Ethan. Nandito ngayon si Theo, nasa tabi mismo ng anak ko at pinagmamasdan niya siya. "He really looks like me." Theo said while starring at our child. "At kapar

