Chapter Thirty-two: Special Night Ellaine May Frias’ Point of View Nagpatuloy akong sundan ang mga arrow na nakadikit sa pader. Hanggang sa dalhin ako nito sa isang malaking pinto. Nakakita ako ng sticky note at kinuha ito. You are the most beautiful and lovable girl that I met. Naku! Nambola pa si Montecarlo. Binuksan ko na ang pinto at namangha ako sa nakita ko. Para akong nasa isang hardin, Hardin ng Eden. Napapalibutan ito ng mga dilaw na christmas lights. Ang path walk nito ay may nakahanay na mga kandila sa magkabilang side at bumuo ito ng malaking bilog sa dulo at nagpatuloy hanggang sa isang pavilion. May narinig akong kanta nang magsimula akong maglakad. Para akong nasa isang fairy tale. Pagdating ko sa gitna ay napatigil ako nang may lumabas na lalaki at nakasuot n

