Hindi ko alam kung paano kami napunta sa hotel na 'to. Pagkapasok namin sa kwarto, amoy agad ang malinis na linen at malamig na hangin mula sa aircon. Basa pa ang buhok ko dahil sa ulan. "Magbihis ka muna, baka sipunin ka," sabi niya habang inaabot sa akin ang isa sa malalambot na towels mula sa cabinet. Habang pinupunasan ko ang buhok ko, naramdaman ko ang presensya niya sa likod ko. Dahan-dahan niyang kinuha ang towel mula sa kamay ko at siya na ang nagpahid ng buhok ko. "Sanay ka na ba sa may nag-aalaga sa'yo?" tanong niya, mababa ang boses. Umiling ako. "Hindi." Tumigil siya sandali, at nang magtama ang mga mata namin sa salamin, parang may kumuryente sa pagitan namin. Lumapit siya, hanggang maramdaman ko ang init ng hininga niya sa batok ko. "Lyka..." tawag niya, mahina pero pu

