Lyka's POV Una naming group meeting bilang core team ng special research project. Nasa study hall kami ng base, kumpleto ang team, may tatlo kaming lalaki, dalawang babae, at si Aiden bilang team leader. At ako... ang bagong salta. "Okay, team," panimula ni Aiden habang pinapasa ang printouts. "We're sticking to the timeline. I expect weekly progress, at dapat lahat may ambag. Kung may concern, sabihin agad. Klaro?" Sabay-sabay kaming tumango. Pero napansin ko, habang tumatagal ang usapan, sumisigla ang energy ni Aiden tuwing ako ang nagsasalita. "Lyka, you'll handle the initial draft for the intro and background. Alam kong strong ka sa structure," sabi niya, sabay abot ng copy ko. Pero unlike sa iba, soft yung tone niya sa akin. At hindi ko ma-deny na... napansin din 'yon ng iba. "U

