Nagising si Lyka sa gitna ng gabi, tuyong-tuyo ang lalamunan. Tahimik ang buong bahay habang bumaba siya para uminom ng tubig. Habang papunta siya sa kusina, napahinto siya nang mapansin na may ilaw sa veranda. Dahan-dahan siyang lumapit at doon nakita si Aiden na nakatayo, seryoso ang mukha habang kausap si Noel. “Noel, wala kahit sino ang puwedeng makaalam na nandito si Lyka. Kahit pa si Senator Fernan, lalo na si Ashanti,” mariin na bilin ni Aiden. Natigilan si Lyka. Para bang biglang bumigat ang hangin sa paligid. “Ashanti?” bulong niya sa sarili. Ramdam niya ang biglang pagkurot sa dibdib niya nang marinig ang pangalan. Bakit ganito ang reaksyon niya? Sino si Ashanti? “Hindi kaya… siya nga ang girlfriend ni Aiden?” Mabilis ang kabog ng dibdib niya. “Baka totoo nga ang sinasabi n

