Chapter 29 Dalawang araw na ang nakalipas ngunit hindi pa rin umuuwi ang kapatid ko na si Irish. Wala akong narinig na balita galing kina Mama at Tiyo Isidro. Hindi ko rin naman magawang magtanong dahil natatakot ako na baka magalit si Mama. Ayaw pa naman niya na nagtatanong ako tungkol sa mga bagay-bagay. Ayaw niya rin na kinakausap ko siya. Sa tuwing umuuwi ako sa bahay ay wala akong nadadatnan na kahit sino. Maski si Mama at Tiyo Isidro ay minsan ko lang din makita. May trabaho si Mama kaya hindi na ako natataka roon. Si Tiyo Isidro naman ay alam ko na nandoon sa mga kumpare niya. May pag-aalala man sa puso ko, natutuwa naman ako dahil mas mahaba na ang oras na nailalaan ko para sa mga bata. Araw-araw ko silang dinadalaw sa karinderya ni Aling Josefa. Ayaw ni Aling Josefa na iwanan a

