Chapter 32 “Ano ba naman kasi ang pinaggagagawa mo sa buhay mo, Elle?!” mataas ang boses na tanong ni Ate Gina habang maingat na nililinisan ang mga sugat at pasa na nasa gilid ng labi ko. Bahagya akong napaigik nang aksidente niyang madiinan ang isang sugat na nasa gilid ng kilay ko. Nang dahil sa sinabi ko ay gumaan nang bahagya ang kaniyang kamay habang dinadampian ng bulak ang mga sugat at pasa ko. Huminto siya sa kaniyang ginagawa kaya napaangat ako ng tingin sa kaniya. Salubong ang kilay niya habang pinapakatitigan ang mga sugat at pasa na natamo ko. “Nakakainis talagang makita ang mga ‘yan sa mukha mo!” Pagtukoy niya sa mga natamo ko. Itinuro niya ang buong mukha ko. “Sa ganda mong ‘yan, nagawa ka nilang gasgasan at sugatan?!” Napapakagat na lang ako sa labi ko sa tuwing tumataa

