Nakanguso ako habang nakatingin sa labas ng gate namin. Hindi talaga ako sinundo ni Jeiko. Alam naman niyang iritado ako sa girlfriend ng kakambal ko kaya ayokong sumama sa kanila. Lagi kasi namin itong sinusundo. Palibhasa kasi, magka-course silang dalawa—engineering. Napapadyak nalang ako. Tinext ko siya kagabi, as in ginulo ko ang inbox niya pero hindi talaga siya nag-reply, pero tinawagan niya ako. Pero ang tanging narinig ko lang ay ang malakas na tugtog ng music sa isang bar nanaman at maharot na boses ng mga babae. At meron pa, isang mariing 'You're so annoying...' na galing sa kaniya. Kaya ko siya ginugulo, eh. Para pansinin niya ako. Para tawagan niya ako. It never fails. Haha! Alam 'kong nakakainis ako pero hindi niya naman kami umabot sa puntong, mag-aaway kami ng bongga

