Kyona's POV Halos mapuling ako habang nilalagyan ako ng fake eyelashes ng make up artist. Hindi ko alam kung ano ang mga nilalagay niya pero habang nakatingin ako sa salamin maganda ang kinalabasan. "Are you ready?" tanong ni Dreena sa gilid ko. Kabado akong tumingin sa kaniya at napakagat labi. "Hindi ko alam, Dreena. Baka maiyak ako o baka agad ko siyang hagkan..." natatawang sagot ko. Napailing siya habang nakangisi, "Kaya mo 'yan. Five minutes nalang..." sagot niya at binigyan ako ng assured look. Napabuntong hininga ako. It's been three years. Fresh graduate pa ako. Nag-uumpisa na akong magtrabaho sa firm ng mga Andremayo. Three years since nangyari ang kahindik-hindik na pangyayari sa buhay ko. Hindi ko akalaing, ang mga naisusulat ko sa laptop ko noon ay mangyayari sa akin.

