Kyona's POV Tumawa ng malakas si Jasmine tila hindi naniniwala sa sinabi ni Mama. At kahit ako ay nagulat ngunit pag-asa parin ang bumalot sa puso ko. Kahit masakit malamang di ka pala anak ng kinalakihan mong ina at ama, kailangan kong tanggapin kaagad. That could be the only answer for all the problem we have right now. Kung sana ay maninwala si Jasmine para hindi na siya magkaganito pa. "Maniwala ka, Jasmine. Pagkatapos nun ay iniwan ko na si Tony. Hindi niya nako hinanap dahil nabuo na si Kram galing sayo..." naiiyak na sabi ni Mama sabay tingin sakin. "I'm sorry, Kyona. I'm sorry..." dugtong niya. Tumulo ang mga luha ko. Tumulo kahit hindi ko naman alam kung ano ang dapat maramdaman. Hindi ko pa kailanman nakikilala ang totoo 'kong ina. It was Tita Ryona Solidad. Ang tangin

