Chapter 14 - Afraid

1952 Words
Isang araw nagtanong ako kay Lolo, "Lo? Ano po ba ang mas importante? Ang magmahal ka o ang mahalin ka?" tanong ko kay Lolo. Inulit ko pa ang itinanong ko dahil hindi niya ito masyado narinig. Ngumiti si Lolo at tinapik ang ulo ko, "Ang apo ko ay umiibig na..." panunukso nang paborito kong lolo. Ngumiti na lamang ako sa kaniya, "Hindi naman po sa ganoon, gusto ko lang pong malaman," sagot ko kay Lolo. Tumango siya at bumuntong hininga, "Sa tingin mo, anong mas importante para sa ibon?" tanong niya at tumingin sa langit kaya napatingin din ako roon at may mga ibong lumilipad. Kumunot ang noo ko. Napaisip tuloy ako. Ano naman ang koneksyon ng ibon sa itinanong ko kay Lolo? Siguro ay dala na'rin ng pagkatanda. "Syempre po ang pakpak nila, " sagot ko nalang sabay turo sa langit. "Hindi naman sila makakalipad kung walang pakpak, hindi ba?" sagot ko at nilingon si Lolo. Humalakhak si Lolo at tumingin sa'kin, "Tama ka, apo. Ngunit ano ang mas pinakaimportante? Ang kaliwang pakpak o ang kanang pakpak?" seryosong tanong ni Lolo. Ngumiti ako, "Syempre pareho po kasi di naman ito makakalipad kapag isa lang ang pakpak," masiglang sagot ko. Ngumiti din si Lolo, "Tama ka. Kaya parehong importante ang magmahal ka at ang mahalin ka. Hindi uusbong ang pag-ibig kung wala ang dalawa, apo." sagot niya kaya naman natigilan ako. Importante ang dalawa? Pero bakit ang iba ay mas gustong sila ang minamahal? Ang iba naman ay kontento nang sila nalang ang nagmamahal, pero sumasang-ayon ako sa naging sagot ni Lolo. I-sinave ko ang ginawa ko bago i-exit ang software na ginagamit ko. Napahilot ako sa sentido ko at inalis ang glasses ko sa mata. Kailangan ko nitong magsuot habang nagsusulat sa laptop para hindi masira ang mata ko. Sumakit ang ulo ko sa isinulat ko. Ano ba talaga ang importante? Ang magmahal ka o ang mahalin ka? Nakakalito at the same time nakakasakit ng ulo. Sumimsim ako sa kapeng tinimpla ko kanina. Medyo malamig na ito dahil kanina ko pa to tinimpla. Time out muna ako. Sakit ng ulo ko, eh. Biglang tumunog ang cellphone ko kaya naman agad ko itong kinuha. Mayroong text ni Jett. Jett: Sama ka sa press con? I need you there. Ngumuso ako bago tumipa ng irereply ko sa kaniya. Ako: You need me? Para kuhanan ka ng pictures, ganun? Hinintay ko ang reply niya habang chinecheck ang mga pictures ko sa gallery na puno ng mukha niya. Sa mga nagdaang buwan, naging malapit na kami ni Jett. Tinanggap ko ang offer niyang gumawa ng isang manuscript months ago. Gumawa ako ng manuscript habang sa bar naman ay umalis nako. Sinabi ko kay Tita Gloria na binabastos ako kaya aalis nako at naintindihan niya naman. Magiging-second year college na'ko. Sobrang bilis lang ng panahon. Marami na akong naisulat sa writer's corner dahil mabilis naman akong magsulat. Tinanggap ng isang publishing company ang manuscript na ipinadala ko at binayaran nila ako. Tuwang-tuwansi Mama at naipagamot ko narin siya. Madali kong natapos ang ibang story pero may isang story talaga na hindi ko kayang gawin. Yun nga...ang TOTGA. The One That Got Away. Naging maganda naman ang resulta ng pagsusulat ko. Nakilala akong si Reccess sa internet na isang manunulat at si Jett ang tumulong sakin para makilala nila ako. Si Jett ang tumulong sakin kaya sobrang naging malapit na kami sa isa't-isa. Itinuon ko ang atensyon ko sa pagsusulat at kung minsan ay nagbebenta ako ng cookies sa pamamagitan ng naipon ko sa pagsusulat. Nag-iipon nga ako para makabili ako ng oven dahil sa ngayon ay doon parin ako sa school nag-babake. Medyo umuunlad na ang buhay namin. Si Mama naman ay balik na sa pagluluto. Naging cook na siya sa malagong karinderya ni Aling Nilda na ang plano ata ay ipa-renovate ang pwesto nito upang maging filipino style restaurant. Di nagtagal ay nagreply ulit si Jett. Jett: I'll introduce you to them. Ngumuso ako nang mabasa ko ang reply niya. Oh really? Ngumiti ako habang nagtitipa ng reply. Ako: Okay, big boss. (Author: Naks. Lakas maka-DOTS hahahaha) Jett: Thanks, ugly. :) Pareho kaming adik sa DOTS o kaya naman Descendants of the Sun kaya naman ito ang gusto niyang itawag ko sa kaniya pero yung skin iniba niya. Dapat beauty, pero ugly tawag sakin. Psh. Hindi na nga ako nagreply, magtatagal lang, eh. Pupunta naman talaga ako. Ngayon ang presscon niya kasama ang iba pang author. Hindi pa naman ako ganoon ka sikat, siya ang sikat dahil mayroon siyang pinakamalaking fanbase. Gwapo na nga, writer pa. At ini-issue pa kaming dalawa ni Jett na may relasyon. Wala naman kaming relasyon, ay hindi. Mayroon nga pala. Friends. Sinuot ko lang ang isang sunshine yellow dress na tutle neck na bigay pa sakin ni Kirt at ang 2 inch heels 'kong color white. Binuhaghag ko ang buhok ko na sobrang haba na at may kaonting kulot sa ilalim. Purong itim ang buhok ko kaya mas naging maputi akong tignan. Pumunta na ako sa hotel kung saan isasagawa ang presscon. Marami ang mga dumalo at tamang-tama lang ang dating ko. Inabangan ako ni Jett sa b****a ng double door. Nakangiti siya sakin. Hindi ko nanaman maiwasang mapatitig sa kaniya. Nakasuot siya ngayon ng isang brown suit na may color button-down shirt. Bagay na bagay sa kaniya. Pinasadahan niya ang buhok niya ng kaniyang kamay. Ngumuso ako, ang gwapo niya. "Hey, ugly." bati niya. Sinamaan ko siya ng tingin, "I'm no ugly," sagot ko at umirap sa kaniya. Ngumiti siya, "Just being honest..." sagot niya at ginulo ang buhok ko. Inismiran ko siya, "Selfie na nga lang tayo. Big time kana talaga." sabi ko sabay labas ng cellphone ko at lumapit sa kaniya. Nag-selfie na kaming dalawa at panay ang pose niya nang nakataas noo at nakangiti. Tsss...Gwapo sana pero ughhh. Pumasok na kami sa loob. Sumama siya sa mga sampung manunulat sa isang mahabang lamesa. Sobrang proud ako sa kaniya habang tinatanong siya tungkol sa malaking fanbase niya. "They're the best and I am thankful for them," sabi ni Jett sabay sulyap sakin. Umapprove sign pa ako sa kaniya at ganun din siya sakin. "It looks like our only guy author is with her cute girlfriend," sabi ng nagtanong kay Jett kanina. Nanlaki ang mata ko dahil nasa akin na ang buong atensyon ng mga tao sa loob, "Oh, she's not my girlfriend. She's my special friend..." sagot ni Jett at ngumiti. Nabalot ng kantyawan sa loob. Hindi sila naniniwala na walang something samin lalo na't sinabi pa ni Jett na special kuno ako. Pagkatapos ng conference ay umalis na kami ni Jett at nagparty na pang sa aming dalawa lang. Mayroon kasing chance na maging major motion picture ang isang story niya na, By Chance We Love. At dahil ma-pera na siya, ililibre niya ako sa J.CO Donuts. Maraming fans niya ang sumalubong sa kaniya sa labas at nagpa-autograph. Nakilala ako ng iba kaya nagpa-picture sila sakin kasama si Jett. At pati sila shini-ship kami. "Jett, want to come with us? Let's party!" aya sa kaniya ng isang babae at binunggo pa ng mahina ang braso ni Jett. Umiling si Jett at ngumiti, "No thanks, girls. I'm busy...." sagot niya sa kanila at inakbayan ako. "My best friend and I will be celebrating. Her story will be published," sabi niya. Nanlaki ang mga mata ko at napatingin sa kaniya, "Really!? Anong story?" di makapaniwalang tanong ko. Umalis na kami doon sa mga babae. Sumakay kami ng taxi para pumunta sa isang mall. "Just strangers, 28 millions reads. Napansin nila sa wakas," sabi ni Jett at dinukot ang cellphone niya. Hindi parin maalis ang ngiti sa labi ko. OMYGOSH! Ibig sabihin may pera nanaman ako? Waaaah! Grabe! Sobrang swerte naman ngayong araw na'to. "Holy s**t, nasa twitter na ang nangyari sa presscon, gwapo ko talaga." sabi niya at pinakita sakin ang phone niya na may title na, "Jett Ramirez's special friend" Ngumuso ako, "Ikaw kasi, e. Ayan mas tumindi 'yung pag-shi-ship nila..." sagot ko. Naka-connect nako ngayon sa mobile data niya. Inopen ko ang twitter ko. Nakita ko ang tweet ng isang famous sa school namin. Isang cheerleader na friend ko rin. @sonisideupp @geregere01 saw her IG, she's planning to go back. @geregere01 @sonisideupp Dreena Guzman pretty as ever. @sonisideupp @geregere01 Yeah, buti naisipan niya ng bumalik sa Pilipinas. hahaha Oh. Babalik na siya? "May trabaho ka pa sa 7/11 diba?" tanong ni Jett. Bumaling ako sa kaniya. Oo nga pala. Nagpapart time pa ako doon. Na kaya ko naring magtrabaho doon. Wala nang epekto sakin. Wala na akong nararamdamang kirot kapag nasa loob na ako, kahit ang 7/11 na'yun pa mismo ang pinupuntahan namin noon. Wala na. Wala na talaga. "May ka-swap ako," sagot ko. At sa pagbalik ni Dreena. Pangako ibabalik ko ang pagkakaibigan namin ni Dreena. Natatakot lang akong imessage siya sa mga social media. Biglang may notif sa twitter ko sa direct message. Binuksan ko ito at mayroong DM ang paborito kong fan ko. Siya si Missbestie at palagi kaming nag-cha-chat sa twitter. Tapos tinutulongan niya akong ipromote ang stories ko at sobrang nakakatulong siya at nang dahil sa kaniya mas namiss ko si Dreena. Missbestie: Bagay kayo ni Jett. hahaha Ako: Hindi kaya. Wag kang maniwala sa social medias. ahahaha Missbestie: I ship you both. Gwapo siya tapos maganda ka. I can make a one shot story sa inyo dahil sa kakiligan ko, but I'm not a writer so I just imagine. hahaha Ako: Sira! You know, naaalala ko sayo yung bestfriend ko. Missbestie: Hahaha, really? Why? Ako: I don't know. Baka namiss ko lang. Missbestie: Sino ba name ng bestfriend mo? Ako: Ahmmm, I have two. Siya si Kirt at yung isa ahmmm...Dreena. Missbestie: Oh, kanino mo ko naalala sa kanilang dalawa? Ako: Si Dreena, miss ko na nga 'yun. Missbestie: I think she misses you too. Hindi na ako nakapagreply sa kaniya ng mawala ang internet. Napatingin ako kay Jett at sinaman niya ako ng tingin. "You're so preoccupied you forgot where in a date," supladong sabi ni Jett sabay labas sa taxi. Kumunot ang noo ko at sumunod sa kaniya, "Anong date ang sinasabi mo?" tanong ko habang nakasunod sa kaniya papasok ng mall. Nang mahabol ko siya at sumabay sa paglakad niya ay sinubukan kiong tignan niya ako pero direstsyo lang ang lakad niya. "Friendly date, Kyon. Ano pa ba?" sagot niya at umirap. Ngumiwi ako, "Oh, eh bakit ang suplado mo? May ka-chat lang akong reader. tssss..." sagot ko at pinatay ang wifi sa phone ko at pinasok sa bag. Nang tignan ko siya ay nawala na ang supladong aura niya. Anyare? Hinawakan ni Jett ang kamay ko kaya nagulat ako, "Tara, check natin sa NBS kong nandoon na ang libro ko," nakangiting sabi niya pero di nakatingin sa akin. May kung anong paru-paro akong naramdaman sa tiyan ko. Kakaibang kuryente ang bumalot sa katawan ko at lalo na ng puso ko. Pabalik-balik ang tingin ko sa kamay niyang hawak ang kamay ko at sa mukha niyang masaya. Natatakot ako. Natatakot akong mahulog ulit. Natatakot akong isugal ulit ang puso ko. Oo, isa akong manunulat tungkol sa pag-ibig pero natatakot akong magmahal ulit... Pero kung iisipin? Ayos lang mahulog sa kaniya. Kilala ko na siya. Matanda na kami at hindi alam kong di naman kami hahadlangan ng magulang namin. Kung tutuusin, konte lang ang posibilidad na masaktan ako pero... hindi ko alam...ayoko parin.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD