Kyona's POV That night, ginulat ako ni Kirt dahil binisita niya ako sa bahay. Si Mama at Khrisa maagang umuwi sa hindi ko alam na kadahilanan. Nagtataka nga ako kung bakit wala siyang imik tungkol kay Kram. Kung dati ay, magbibigay siya ng advice or kung ano, eh. Hinimas ko ang likod ni Kirt habang umiiyak siya. Peste talagang, Montesor na'yun! Hindi na ba siya nadala sa pang-aaway ko sa kaniya noong umalis si Kirt at iwan siya? Pasalamat siya at nasa New York siya. Niyakap ako ni Kirt, "Hindi ko alam kung anong gagawin ko, Kyona...alam kong may problema siya pero hindi niya sinasabi sakin. Tapos sa oras nato magkasama silang naglalasing ni Graisyl. May tiwala naman ako sa kanilang dalawa, pero hindi ko parin maiwasang magduda. Ayokong magduda, pero yun ang nararamdaman ko..." naiiyak

