Kyona's POV Tulala ako habang nasa park kami ngayon ni Kram. Ito na ata ang signature place naming dalawa. Lagi nalang sa park ang eksena. Hindi katulad kanina ay hindi na magkahawak ang aming kamay. Nakaupo kami sa bench at tahimik lang kami. Tila nag-iisip din. Naghihintay kung sino ang unang magsasalita. Hindi ko alam kung ano ang uunahin kong isipin. Si Jasmine ba, na nagsasabi nga ba ng totoo? Si Mama ba, na nagsinungaling sakin na wala talagang namamagitan sa kanila ni Tito Tony? o isipin kung ano na ang mangyayari samin ni Kram kung totoo nga ang sinabi ni Jasmine. Bakit? Bakit kailangang mangyari samin to? Bakit kailangang umabot sa puntong hindi nga talaga kami pwede dahil...dahil magkadugo kaming dalawa at galing sa iisang ama. Napakagat labi ako para pigilang umiyak. Ngunit

