Kyona's POV Pagkatapos ng klase dinala ako ni Jett sa starbucks. Pumayag naman ako dahil may pera pa naman ako. Mabuti nalang at medyo asensado na kami ngayon. Pinagplaplanuhan nga namin ni Mama na bumili ng bahay kahit maliit lang para saming tatlo, pero naalala ko si Jett, hindi na kami magka-baranggay at hindi na siya makakatambay samin araw-araw. Hindi ko alam kung saan pa rumaraket si Mama pero masaya ako para sa amin at nagtutulongan kami para kay Khrisa. "Anong sayo? Libre na kita." tanong ni Jett. Tinaasan ko siya ng kilay, "Talaga lang ha? Ibang-iba kana, ha?" panunukso ko sa kaniya. Natawa siya, "Ganyan talaga kapag nagmamahal at!" sabi niya sabay pakita ng cellphone niya sakin na may picture ng isang libro na... "Wow, published na? Grabe, ah!" manghang sabi ko at pumalakp

