Dreena's POV (Flashback) Hindi ko alam kung ano ba ang dapat kong maramdaman sa ngayon. Nang maghiwalay ang labi namin ay inipit niya ang buhok ko sa tenga ko at hinimas ang pisnge ko. Tinitigan niya ako ng puno ng pagmamahal. Nakatitig lang siya sakin habang idinikit niya ang mga noo namin. "Dreena, I love you...mahal kita..." seryosong sabi niya at hinalikan ang tungki ng ilong ko. Sobrang bigat ng bawat paghinga ko. Ano ba, Dreena!? You're so impulsive! You forgot about your inhibitions and refrainment! Nag-iwas ako ng tingin at lumayo sa kaniya. Ngayon ko lang to naramdaman. Ang mahirapan sa paghinga, ang maguluhan kong anong pipiliin ko. Yung tama o yung gusto ko? Napailing ako, "H-hindi to dapat mangyari. M-mali ito..." nauutal na sabi ko at napahawak sa bakal ng railings at

