Kyona's POV "Wala na bang mas romantic pa dito?" sarkastikong sabi ko kay Kram ng dalhin niya ako sa park kung saan kami nagkita noon pagkatapos naming maglandian sa gitna ng W.U. Sumakay kami sa kotsye niya. That was the first time I ride his car. Super saya lang sa pakiramdam. While driving, hindi niya binitiwan ang kamay ko. He's driving with his one hand, at kung kailangan niya mang gamitin ang isa pang kamay niyang nakahawak sa kamay ko, dinadala niya ang kamay ko sa kambyo. Ayaw talagang bitiwan. Hawak-hawak parin ni Kram ang kamay ko. Bumitiw lang ata siya nung lumabas na kami ng sasakyan niya. Natawa siya, "It is, baby kryps. Dito tayo nagkita so this is a special place..." sagot niya. Tumigil kami sa dalawang duyan sa park. Umupo na siya sa isa kaya naman akmang lalapit nak

