T R I N A PAG UWI ko ng bahay nagulat ako kay mama na nakaupo sa sala, maliit nalang ang bahay na binili namin hindi tulad sa binili ni ate noon sa amin. Dahil unti-unti na nababawasan ang ipon ni mama na bigay ni ate, kaya gusto ni mama hanggat may pera pa, gusto niya magtipid kame para makatapos sila Ton-ton sa pag aaral, nakapag tapos naman din ako. Hindi tulad ni Ate nung pumasok siya sa grupo nila Axel, binabayaran sila sa mga special mission. Ngayon hindi na, kusa kana sasali sa grupo nila kung gusto mo. Hindi naman din kami naghihirap, sadyang iba talaga yung buhay namin noon nung kasama pa namin si Ate. "BAKIT NGAYON KA LANG?" Sa lampshade lang nanggagaling ang ilaw dito sa sala, kaya madilim ng kaunti ang sala. "Kakauwi ko lang ma galing thailand, may business meeting kas

