Nagising ako nung maramdaman kong wala sa tabi ko si Axel, naalala ko na nag iinuman pala sila kagabi. Kaya bumangon ako at dumiretso sa bintana para tingnan sila sa baba, anong oras na oh 4am na wala pa sila tapos? Pagsilip ko sa bintana parang umakyat ang dugo sa ulo dahil sa inis nang makita silang tatlo natutulog sa damo malapit sa pool. Buti hindi si dad natutulog sa pool, naalala ko pala na malakas yung tolerance ni dad pagdating sa alak yun ang sabi ni Owen. Kaya nagtungo ako sa kwarto ni Luna para gisingin. "Bangon!" "Ano ba, El!" "May sunog!" Sigaw ko, kaya ayun agad-agad siyang bumangon at divider. Napanganga ako ng buhatin niya ang flat screen tv. "Seriously?" Lumingon siya sa akin at doon niya na realize na nagbibiro ako, kaya binaba na niya ang flat screen. "Jeez! El!

