Ramdam ko parin yung pagsakal ni Draco kahapon sa akin, mukhang ibang Draco yung nakaharap namin kanina. Bumukas ang pinto ng kwarto ko at iniluwal si Owen dun, may dala siyang pagkain sa akin. "You skip your meal earlier, hanggang ngayon ba naman?" Napakunot noo niya nung mapansin niyang nakahawak ako sa leeg ko. "Are you alright?" Tumango ako. "Oo naman." "Lie." Agad siyang lumapit sa akin at inalis niya ang kamay sa leeg ko. "Yan ba yung kahapon?" Tumango ako. "Next time just let him be, okay? Dahil hindi natin alam kung ano yung mangyayari sa atin kapag lumaban tayo." "Pero hindi niya tayo pwede ganituhin nalang." "Kaya nga, I gave you the chances to scape-" "Mamatay ang pamilya ko." "That's my point, kaya huwag nalang tayo gumawa ng rason na ikagagalit niya." I sigh, wala akon

