E L I N N E T H PAGPASOK ko sa kwarto ni Dad, nakatayo siya malapit sa bintana habang nakatingin sa labas. "Dad." Lumingon siya sa akin na may ngiti sa labi, paglapit niya sa akin. Niyakap niya ako ng mahigpit, "You don't how much I miss you." Malungkot na sabi ni dad, hinarap niya ako. "Yung alam mong may anak ka pero hindi mo alam kung saan siya." "You tried to look for me?". "I tried once nung nasa tyan ka pa nun ng mom mo and she threatened me na tatapusin niya ang buhay niyong dalawa kapag hinanap pa kita." Napangiti siya nung ikwento niya yun sa akin. "Kung alam ko lang na ganito din pala ang pipiliin mong buhay sana hindi ko nalang hiyaan ang mom mo at ikaw na lumayo sa akin." "I need a job yung madaliang pera dahil si Trina mahina ang puso niya at mahal ang gamot at may mga k

