E L I N N E T H Ilang araw na nakalipas at ilang araw na pabalik-balik si Axel sa opisina ko. Inutos ko nalang sa secretary kapag binisita ako ni Mr. Satillan laging irason na nasa meeting ako. Buti ngayon hindi na siya bumisita pa. Tumayo ako at kinuha ko ang tablet ko dahil may board meeting ako ngayon. Pagbukas ko sa pinto, may narinig akong boses na sumisigaw sa labas ng office ko. "Let me in!" Sigaw ng babae, napasilip ako kung sino ito. Nagulat ako nung makita ko si Stella ang nag i-skandalo sa labas ng office room ko. "Sorry ma'am, you don't have any business to Ms.Deluna." "b***h! I just want to know kung sino yang lumalandi sa fiancè ko! Ilang araw na siya pabalik-balik dito." "Pasensya-" Nagulat ako nung itulak niya ang secretary ko, buti nalang napahawak agad sa table

