E L I N N E T H Pinapapunta ako ni Boss sa office niya, pagdating ko sa office ni Boss, hindi lang pala ako yung pinapunta. Sila Luna, Axel at Seth din pala, umupo ako sa upuan kung saan malapit kay Axel. Lihim akong napangiti nung makita kong seryoso lang ito, tulad nila Seth. Sinabi ko kasi sa kanya, na kapag Mafia dapat laging expression mo cold. Hindi naman mahirap kay Axel yun dahil sa school ganun na naman laging poker face. Pero natawa ako kasi nang dahil daw sa akin parati siya nakangiti. Napailing nalang ako nung maalala ko yun. "Shadow is here, pwede ko ng umpisahan." Sabi ni Boss. Hinarap niya yung laptop sa amin at pinakita niya yung footage ng cctv sa amin. "May nag mamanman sa atin, kaya I'll make you in two team. Shadow and Axel, and the other Dark and Light. Hindi

