3am na ng umaga nung magising ako, dahan dahan akong bumangon para hindi magising si Axel sa akin. Hinalikan ko na muna siya sa noo bago lumabas ng kwarto, nag ayos na muna ako pagkatapos lumabas na ako ng kwarto. "Aalis ka na?" Napahawak ako sa dibdib dahil sa gulat ko dahil sa boses na yun, lumingon ako sa kanya. "Luna naman, nanggugulat ka eh." "Hindi ka ba magpapaalam?" Sumeryoso na ako nung makita ko sewryoso ang mukha ni Luna. "Alam kong hindi niya ako papayagan." "Baka magalit yun lalo pag nalaman niyang umalis ka ng hindi nagsasabi sa kanya." Umiling ako. "Hindi na ako magsasayang ng oras, hindi natin alam kung ano na nangyayari kay Thalia." "Sige na, baka magising pa siya. Mag ingat ka." Pagkasabi ni Luna yun umalis na ako ng bahay, pagsakay ko ng kotse tinawagan ko na mu

