S E T H PAGLABAS ko ng bahay sumakay agad ako sa kotse ko. Alam kong masakit kay Axel ang nalaman niya ngayon, pero bilang kaibigan ni Eli, dapat pakinggan din ni Luna ang side ni Eli. Pero bakit kailangan niyang magalit kay El? At bakit parang bumalik ang insecurities niya kay El? Hindi pa ba sapat ang mga pinapakita ko sa kanya para malaman niyang siya ang mahal ko? Maybe sa part ni Axel baka maiintindihan ko pa bakit siya galit but to Luna's part? I don't get it, bakit kailangan unahan ang galit niya kesa pakinggan ang kaibigan niya. Nung nakita kong umiiyak si El sa harap ni Axel habang sinabi ang tungkol kay Draco, ramdam kong nasasaktan din ito. Baka mali sila ng inakala, hindi ako naniniwala na trinaydor kami ni El. Pagdating ko sa bahay nila El, ang katulong ang humarap sa

