E L I N N E T H Hindi ko akalain na haharap ako kay Axel na ganitong kalagayan. Buti nalang napaniwalaan ko siya sa lahat ng bagay tungkol sa sugat na ito. Hindi niya pwedeng malaman kung ano ako dahil lalo niyang ikakapahamak pag nagkataon. Pagbalik ko sa HQ dumiretso agad ako sa kwarto kung saan nagpapahinga sila Luna at Seth. Kumuha ako ng upuaan at pinwesto ko ito sa gitna ng kama nila Seth at Luna. "Maiwan na muna kita dito shadow." Tumango lang ako sa sinabi ni Hunter. Malungkot akong nakatingin sa kanilang dalawa, malapit na matapos ang buhay namin. Buti nalang nagawan ko silang protektahan sa kamay ng kalaban. Parang pamilya ko na sila, kaya hindi ko hahayaan na mamatay sila ng hindi ko sinubukan sagipin sila. Buti nalang daw sabi ng doctor hindi masyadong grabe yung natamo

