A X E L Nagising ako ng hindi ko maramdaman si Eli sa tabi ko. Kaya bumangon ako para hanapin siya, dahil baka nasa terrace na naman ito nag papahangin. Lately kasi lagi siyang gising mga madaling araw, kaya lumabas na ako para hanapin siya. Sakto nakasabay ko lumabas si Owen sa kwarto, nagkatinginan kaming dalawa. "Can't sleep?" Umiling ako sa tanong niya. "I'm looking for, El." Napatango ito. "Baka nasa baba lang." Nauna nang bumaba si Owen sa akin, dumiretso na muna ako sa terrace kaso wala si El doon kaya bumaba na ako. "Did you see her?" I ask Owen nung pagbaba ko at nagkasalubong muli kami. Umiling siya. "Wala ba sa terrace?" Umiling ako, kaya hinanap ni Owen sa labas baka nasa garden lang or sa pool. Nagtungo ako sa Security Room dahil minsan doon siya tumatambay. Pero

