Chapter 33

2144 Words
ZACCARY POV Pagkarating ko sa bahay galing kina Briee.. i saw my father drinking a liquor sa aming mini Bar. Kaya lumapit ako at umupo sa tabi nito. He then offered me a drink.. pero hindi ko ito tinanggap. "Sorry Son..." Narinig kung sabi ni Dad. "For what..?" Seryuso kung tanung. "It's because of me.. kaya nalalagay sa alanganin ang pagmamahalan niyo ng anak ni Melanie." He sighed..at muling uminom ng alak. "It's all in the past Dad... Nangyari na ito noon paman bago kami magkakilala ni Briee at wala na kaming magagawa pa para sa bagay na yun.. but we're still hoping na maiintindihan kami ni Tita Melanie." Sagot ko habang nakayuko. Naramdaman ko ang kamay ni Dad sa balikat ko. Kaya pilit akong ngumiti sa kaniya. "Melanie is a nice person.. a sweet young lady before when i meet her... The first time i saw her..my heart already give in.. and i told my self.. She's the one... but i ended up hurting her... I was so stupid... I even didn't try to fight for her..." Mapait na ngumiti si Dad. "I've always wanted to come back here and look for her.. para humingi ng tawad.. until now... Dala dala ko padin ang bigat sa dibdib ko... Alam ko noon may magagawa ako para sa kaniya pero hindi ko ginawa,because I am a coward, Unlike you Son, you already know kung ano ang mahalaga sa'yo, kaya kahit labag man sa loob ko na si Briee ang kasintahan mo ngayun... Ayaw ko namang tumanda ka tulad sa akin na mayroong mabigat na bagay na dinadala sa dibdib... This is all i can say to you son... If you really love her.. don't hurt her..!" Madamdaming sabi ni Dad. I am so speechless.. hindi ko akalaing maririnig mula kay Dad ang ganitong mga bagay.. Dati madalas akong magtampo dito dahil pakiramdam ko mas gugustuhin nitong wala palagi sa bahay...at hindi ako lumaking close talaga sa kaniya... Now i know kung ano ang pinagdadaanan nito na nagkaroon din ng epekto sa relasyun nito sa amin ni Mom. " I want to stay here Dad...pwede naman akong mag aral sa Maynila hindi ba?" Lakas loob kung sabi kay Dad. Hindi agad ito sumagot at kinuha nito ulit ang bote ng alak at nilagyan ang baso nito. "Kung ako lang ang masusunod... I let you do what you want.. you are at the right age already..and i know you are smart enough para matuto sa buhay.. pero ang mommy mo ang dapat mung kausapin sa bagay na yan.. You are our only child...and we only wanted you to have a better life.." sabi ni Dad bago ininom ang alak sa baso nito. Napabuntunghininga nalang ako... So si Mom nalang talaga ang kailangan kung kausapin. I know naman na kahit makuha ko ang side ni Dad, still my Mom will be give the decision pero nagbakasali lang akong eopen ito kay Dad at baka matulungan nito akong kausapin si Mom. BRIELLE POV Kinabukasan maaga akong nagising at pababa na ako mula sa second floor ng marinig kung nag uusap sina Mama at Tita Marie. Kaya nanatili muna akong nakatayo sa hagdan dahil narinig kung nasambit ni Tita Marie ng pangalan ko. "Matagal mo na ba itong alam... Bat wala kang sinasabi sa akin..?" Narinig kung sabi ni Mama. "Matagal ko ng alam na magkaibigan silang dalawa...pero kilan ko lang din nalaman na anak ni Lemuel si Zacc." Paliwanag ni Tita Marie. "Kasalanan ko din to...hindi ko dapat hinayaang mag isa si Briee." "Melanie... Bat hindi nalang natin hayaan muna ang mga bata." "Hindi mo ako naiintindihan Marie.. gusto ko lang proteksyunan si Briee.. ayaw kung magaya siya sa akin." Wala akong narinig na sagot mula kay Tita Marie. "Isasama ko na si Briee..." Sabi ni Mama na ikinabigla ko. Anung ibig niyang sabihin na isasama ako..? Saan..? "Melanie... Maayos naman si Briee dito.. bakit mo pa siya kailangang isama..?" Malakas ang boses ni Tita Marie ng mga sandaling yun.. na parang hindi niya din nagustuhan ang desisyun ni Mama. "Alam ko..,at salamat sa lahat ng sakripisyo mo para sa anak ko.., Pero nakapag desisyun na ako... bago paman ako umuwi dito.. nakapagdesisyun na akong isama ko na si Briee..gusto kung bumawi kay Briee at magsimula kami ulit..." matigas na sabi ni Mama at mukhang buo na ang loob nitong isama ko. Nakaramdam ako ng sama ng loob dahil nagdesisyun na ito kahit hindi pa ako kinakausap. Okay naman ako dito kay Tita Marie... Kaya ko naman ang sarili ko kahit malayo siya. Bakit kailangan pa nito akong isama.? Pumasok sa isip ko si Zacc... Hindi kaya gusto lang nitong paglayuin kami ni Zacc kaya naisipan nitong isama ako dahil nalaman nito ang koneksyun ni Zacc sa dati nitong kasintahan. Mas lalong nadagdagan ang bigat sa loob ko. "Kilan ang alis niyo..?" Tanung ni Tita Marie. "Bukas ng umaga." Nanlaki ang mata ko sa gulat dahil hindi ko akalaing..agad agad kaming aalis.. ni hindi pa ako nakapag paalam sa mga kaibigan ko at lalo kay Zacc. Doon na ako lumapit sa Mama ko at kay Tita Marie. "Paano po kung hindi ako sasama... ?" Sabi ko na halatang ikinabigla ng dalawa at agad silang napatayo ng lumingon sa akin. "Briee... Maintindihan mo sana ang desisyun ko... Gusto ko din namang bumawi sayo.." sabi ni Mama na seryuso ang mukha. "Gusto niyo po ba talagang bumawi or gusto niyu lang po akong ilayo kay Zacc.." Mariin kung tanung. Napansin ko ang paglatay ng sakit sa mukha ni Mama dahil sa sinabi ko. "Briee..!" Saway sa akin ni Tita Marie "Ma... Masaya na po ako at nakarating kayo sa graduation ko...pero hindi po ako aalis sa lugar na to...okay naman po akong kasama si Tita Marie dito ei..." Nakikiusap kung sabi sa kaniya. "Alam ko Briee.. pero nakapag desisyun na ako.. aalis ako bukas at isasama kita." Matigas na sabi nito. "No Ma...! You can't decide for me...without my consent...you can leave tomorrow if you want... But without me.." napaatras ako ng lumapit siya sa akin then mabilis akung umakyat sa silid ko. Agad akong bumalik sa kuwarto ko at hinayaang lumandas ang mga luha sa pisngi ko. Then i tried calling Nicky and Kiara but none of them answered my call. Sinubukan kung buksan ang social media account ko at doon ko nakitang parehas nasa out of town ang dalawa. So i decided to call Zacc... We really need to talk right now... Pero lalo lang akong nanlumo dahil unattended din ang phone nito. Kaya mas lalo akong napaiyak. Halos maghapon akong nakakulong sa silid ko ng araw na yun... Nang kumalma na ako.. nakapag isip isip nadin ako ng maayus... at alam kung mali ang pagsagot ko kay Mama..Hapon na ng magdesisyun akong lumabas... I felt guilty din naman dahil napagsalitaan ko ng ganun si Mama.. kaya gusto ko siyang makausap ulit. Hinanap ko sila sa sala ni Tita Marie, maging sa sala at sa kusina. Kinabahan ako sa isiping baka umalis na si Mama...naisipan kung umakyat sa silid na tinutulyan niya, naramdaman kung may kumakaluskos sa loob ng silid kaya napabuntunghininga ako...bahagyang nakaangat ang pinto niya kaya hinawakan ko ang doorknob at papasok na sana ng Marinig ko si Tita Marie na tila nag aalala. " Okay na ba ang pakiramdam mo..? Kilan mo pa yan nararamdaman..?" Worried nitong tanung. Napahawak ako ng mahigpit sa door knob at biglang may bumangong kaba sa puso ko. "Nalaman ko ito noon bago mag 8th birthday ni Briee kaya hindi ako nakauwi... na depressed ako noon ng malaman ko ang sakit ko.. kaya ginawa ko ang lahat para mahanapan ito ng lunas... Sa awa ng diyos naagapan naman agad..akala ko noon okay na ang lahat..na magaling na ako.. pero bigla ulit akong hinimatay noong nakaraang buwan.. ng matignan ako ng doctor, nanlumo ako ng malamang bumalik ang sakit ko and this time benign na..malala na..kaya kinakailangan ko ng magdialysis.. Marie..mangako ka sa akin.. huwag mo itong sasabihin kay Briee..kahit anung mangyari...ayaw kong mag alala pa siya." "K-kung hindi ko maisasama si Briee.. ikaw na ang bahala sa kaniya.." "Kaya ka ba umalis at hindi umuuwi ng matagal dahil dyan sa sakit mo?" Base sa boses ni tita Marie alam kung umiiyak ito. Hindi ko din namalayan ang pagngilid ng luha ko at naramdaman ko nalang na nanginginig ang mga kamay ko dahil sa pinipigilan kung emosyon. "Kailangang kung bumalik ng Maynila para sa dialysis ko. Sumaglit lamang ako dito para makita si Briee, kahit sa maikling panahon... ku-kung hindi na ako makababalik dito..-" Hindi ko na pinatapos pa ang pagsasalita ni Mama agad kung itinulak ang pinto ng silid niya at patakbo akong yumakap sa kaniya habang umiiyak. "I'm sorry Ma... Naging selfish ako... Hindi ko man lang iniisip ang nararamdaman niyo..". Umiiyak pading sabi ko. "Briee... Narinig mo ba ang-.." umiiyak nading sabi ni Mama. Tumango ako.. " Narinig ko po lahat..." Hinawakan ko ang mga kamay niya. "Huwag po kayung mgalala...sasamahan ko kayo...ipapagamot natin kung ano man yang sakit niyo.." sabi ko at lumingon kay Tita Marie. "Tita...?" "It's okay Briee.. kailangan ka ng Mama mo ngayun...huwag mo akong intindihin dito... Huwag kang mag alala dadalaw ako palagi sa inyo.." nakangiting sabi nito at hinaplos ang buhok ko. Kinagabihan.. mabigat sa loob ko na mag empaki ng mga gamit ko.. Pero kailangan ako ni Mama ngayun... Iniisip ko kung tatawagan ko ba ang mga kaibigan ko or etetext ko nalang... Pero ayaw ko naman makasira sa moment nila ng kani-kanilang pamilya... So i decided na magpaalam sa kanilang lahat through...letters.. KIARA POV Gabi na ng makauwi kami sa bahay namin, talagang nag enjoy ako sa isang araw na celebration namin with my family sa isang resort. Pagdating ko sa bahay tsaka ko lang naisipan ulit na buksan ang phone ko.. kumunot naman ang noo ko dahil sa anim na miss calls galing kay Briee.. Namiss ba ako ng babaeng to at panay ang tawag nito kanina..? I tried calling her pero unattended ang phone nito.. marahil natutulog na ito dahil late nadin naman. So i decided na tawagan nalang siya bukas. Kinabukasan maaga akong nagising, then i opened my phone.., napangiti ako ng makita ang mga post ng mga kaibigan namin dahil halos nag celebrate din pala ang mga ito kasama ng kanilang mga pamilya. Zacc also went out of town with his family and with Allison's... I sighed.. I opened Briee's profile.. at wala itong bagong post lately... Sabagay di naman yun mahilig magselfie.. Speaking of Briee...kailangan ko pala siyang tawagan. Di-nial ko ang number niya ngunit katulad kagabi unattended padin ang phone niya... Naisip ko ang Tita Marie niya.. mabuti nalang at nakuha ko ang number niya noon... Kaya tinawagan ko siya at natuwa naman ako ng sinagot nito ang tawag. "Hello po Tita Marie.. good morning.. si Kiara po ito... Tinatawagan ko po kasi si Briee ngunit hindi ko po siya macontact.. nandyan po ba siya..?" Nakangiti kong tanung. Ngunit ang ngiting yun ay biglang nawala dahil sa sinabi nito... I almost felt crying ..mabilis akong nagpaalam sa kaniya at agad na nagbihis at pumunta sa bahay nila Briee. Nanghihina akong napaupo sa sofa ng bahay nila Briee ng malamang umalis na ito ng madaling araw pa kasama ang Mama nito at may iniwan itong sulat para sa amin at kay Zacc..Napahagulgol ako ng iyak... Ito ba ang dahilan kaya panay ang tawag ni Briee kahapon... But i never answered her. Base sa sulat ni Briee.. kailangan nitong sumama sa Mama nito dahil gusto lang ng mama nito na makabawi sa mga pagkukulang nito noon at masaya naman si Briee na magkakasama na silang muli ng Mama niya.. Humingi din siya ng sorry dahil hindi na siya nakapag paalam ng personal... At tatawag din naman daw ito pag makarating na sa kanilang pupuntahan. Although nakakalungkot at sa ganitong paraan kami nagkahiwalay ni Briee masaya nadin ako para sa kanila ng Mama niya... Ang ipinagtataka ko lang bakit may sulat din siya kay Zacc... Hindi din ba sila nagkausap..? I am so worried right now kung ano ang magiging reaksyun ni Zacc ngayung wala na si Briee... So i tried calling him.. "Where are you..?" Tanung ko ng sinagot nito ang tawag ko. "It's too early to call..Kiara.. I am still tired from our trip last night.." reklamo nito. "Okay.. just wait for me there...kung hindi ka pa bumabangon pag dating ko..hihilahin talaga kita jan sa kuwarto mo..." pagbabanta ko at mabilis na ibinaba ang phone.. hindi pwedeng wala kaming gawin. Although may reasons naman si Briee... Pero pakiramdam ko there is something more than that kaya mabilisan ang alis nila.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD