KIARA POV
Naglalakad ako papunta sa gawi ng Falls ngunit dahil sa lutang ang isip ko sa nakita ko kanina. Hindi ko namalayan na lumagpas na pala ako. Lalakad na sana ako pabalik ng makarinig ako ng kaluskos sa halamanan. Bigla akong kinabahan.. sabi nila may mga wild animals daw dito... Panu nalang kung may Ahas, Lion or Tigreng biglang lumabas...malayo naman siguro kami sa Africa para magkaroon ng mga ganung hayop dito ano.! Ngunit bigla na namang may kumaluskos sa kabilang direksyun, naramdaman kung nanayo ang balahibo ko at ahil sa pagkataranta hindi ko napansin ang malaking ugat sa likuran ko kaya nung umatras ako bigla nalang akong na out of balance at natumba. Naramdaman kung papalapit na sa akin ang mga kaluskos kaya mabilis akong tumayo at patakbong pumasok sa loob ng gubat. Dahil sa pagod, pakiramdam ko mauubusan na ako ng hininga, tumigil ako sa pagtakbo at nagpahinga saglit. Pinakiramdaman ko ang paligid... Mas malalago na ang mga dahon sa gawing ito na halos natatakpan na ang kalangitan. Mas lalo akong kinabahan dahil hindi ko na alam kung saan ako galing kanina dahil nawala ang atensyun ko sa daan sa subrang takot ko.
"Guys..Nasaan na kayo..?!!" Nagpapanick ko nang sabi. Oo matapang ako lalo at kasama ko palagi ang mga kaibigan ko, pero ngayung nag iisa lang ako sa lugar na ito na parang hindi pa napupuntahan ng ibang tao, nakakaramdam ako ng takot . Sinubukan kong hanapin ang daan na pinanggalingan ko kanina ngunit pakiramdam ko lumalayo lalo ako.
Kahit na nakakaramdam na ako ng takot pinipilit padin ko pading pinagana ang aking isipan. Inikot ko ang paningin sa paligid at may mga baging akong nakikita sa mga puno. Inisip kong kumuha ng mga ito at itali sa mga puno na aking nadadaanan para maging palatandaan ko.
Malayo layo na ang nilalakad ko ng bigla akong madulas sa pababang bahagi ng lupa kaya napasigaw ako.
Paupo akong dumausdos pababa. Ramdam kong may masakit sa paa ko kaya tinignan ko ito kung mayroong sugat.. mabuti na lamang at gasgas lang ang natamo ko.
Hindi muna ako tumayo para hindi mabigla ang paa ko. Habang sinusubukan kong itapak ang aking paa. Bigla akong may narinig na paparating at saktong paglingon ko sa bandang itaas na pinanggalingan ko , nakita ko doon si Nate.
"Nate I'm here..!!" Sigaw ko .
Napalingon naman si Nate sa baba at worried ang mukha nitong nakatingin sa akin.
Dahan dahang bumaba si Nate sa gawi ko at ng makalapit ito agad nitong tinignan ang aking paa.
"Are you okay..? Can you walk?" Tanung nito.
"I-i don't think so...nasprain yata tong paa ko dahil sa pagkakadulas ko kanina." Sabi ko dito.
"Did you fall from there..?" Turo nito sa bandang itaas.
"Yes.." sagot ko dito.
Napapailing ito at muling hinawakan ang aking paa at bahagyang inikot. Ngunit agad kung pinigilan ang kamay nito dahil masakit padin ang paa ko.
"Does it still hurts..?" Tanung nito.
"Yes.." Sagot ko habang marahang hinahaplos ang paa ko.
"We're so worried nang hindi ka pa nakakabalik... So we decided to look for you.." nag aalalang sabi nito.
Ang kanina ko pa pinipigilang emosyun ay bigla nalang lumabas. Nagulat si Nate ng bigla akong yumakap dito at napaiyak.
"Sorry..I thought i was strong.. but being alone here makes me realize that I am still weak..and afraid..!" Naiiyak kung sabi.
"Tahana na..it's okay now.. I am here...and I'm glad you are fine.." mahina nitong sabi habang marahan nitong hinahaplos ang likod ko.
Nang matapos akong umiyak inalalayan ako ni Nate para makatayo , naka akbay ito sa akin at nakahawak naman ako sa beywang nito at paunti unting kaming humakbang para makaalis na sa lugar na yun.
BRIELLE POV
Kanina pa nakaalis ang mga boys para hanapin si Kiara. Mag iisang oras na pero wala padin sila, di ko maiwasang mag alala para kay Kiara dahil baka kung napaano na ito. I know Kiara malakas ang loob nito kaya alam kung makakabalik itong ligtas.
Maya-maya pa magkasabay na bumalik sina Rael at Zacc.
"Where is she...?" Tanung ni Nicky nang salubungin nito si Rael.
"Naghiwa hiwalay kaming apat..at wala si Kiara sa pinuntahan namin." Sagot ni Rael.
"Saan naman kaya nagsuot ang babaeng yun..? Kailangan natin siyang hanapin, we're leaving in an hour kaya dapat makabalik na siya dito.."worried pading sabi ni Nicky.
"Should we look for her again..? Tutulong na kamo sa paghahanap.." sabi ko sa kanila.
"No need, they're here.." narinig kong sabi ni Vince na kakarating lang din kaya napalingon kami at nakita nga namin na nakaalalay si Nate kay Kiara habang naglalakad ang mga ito palapit sa amin. Agad kaming lumpit ni Nicky sa dalawa.
"Kiara..! What happened? Are you hurt..?" Tanung ko sa kaniya.
"I'm fine.. i just fell kaya nahirapan akong maglakad..,mabuti nalang at nahanap ako ni Nate.." sabi nito.
"We need to leave now.. para madala ka namin sa hospital.." sabi ni Nicky.
"There's no need.. ipapahinga ko lang tong paa ko." Sabi ni Kiara
"No Kiara...! You have scratches kaya dapat malinisan yan..!!" Giit ni Nicky..
"Nicky's right.. kailangan mong patignan sa doctor yang paa mo at baka mamaga pa yang paa mo.." singit naman ni Rael. Walang nagawa si Kiara kaya tumango nalang ito.
Inipon namin lahat ng kasama namin sa activity na yun at nagpasyang umuwi na.
Nang makarating kami sa bayan agad namin sinamahan si Kiara sa Hospital at pinatignan ang nasprain niyang paa. Mabuti na lamang at hindi naman gaanong malala ang pagkakasprain nito kaya agad ding kaming pinauwi. Ngunit
sinabi ng doctor na hindi pa nito pwedeng ilakad ang paa nito kaya naka wheelchair siya palabas ng hospital, pag labas namin nakaabang nadin ang Van nila Rael. Nagulat nalang kami ng biglang buhatin ni Vince si Kiara para isakay sa loob ng Van.. maging si Nate ay natigilan habang nakatingin sa dalawa.
So Zacc was right nang sinabi nito noon na Kiara have two boys who likes her secretly. I just smiled at the thought dahil masaya ako para kay Kiara, pero sa isang banda nalulungkot ako dahil siguradong sa bandang huli may isa sa kaibigan namin ang masasaktan.
Nang pauwi na kami hinatid ako ni Zacc sa bahay namin sakay ng motorsiklo nito. Sakto namang papasok din sa loob ng bahay si Tita Marie kaya inaya muna nito si Zacc na magmeryenda sa loob, nahiya naman si Zacc na tanggihan ito kaya sumama nalang din ito sa amin sa loob ng bahay.
Madalas nadin noong nakikita ni Tita Marie si Zacc sa bahay kasama ng mga kaibigan ko ngunit hindi pa sila nagkaroon ng pagkakataong makapag usap dahil madalas naman ding tahimik lang si Zacc.
Nagpaalam ako sa dalawa na aakyat muna sa taas para makapagpalit ng damit. Kaya naiwan silang dalawa na nag uusap sa sala.
ZACCARY POV
Nang magpaalam si Briee na magbibihis naiwan kami sa sala ng kaniyang Tita Marie. Nakangiti itong nakikipag usap sa akin.
"So uuwi din ba ang parents mo sa graduation niyo..? Pagkakaalam ko kasi mag isa ka lang dito sa atin." Tanung nito.
"Yes po, they promise me na uuwi sila." Sagot ko.
"Mabuti naman kung ganun..! Ano nga ulit family name.., halos sa pangalan ko nalang kayong mga kaibigan ni Briee nakilala ei.." tanung nito.
"Nobleza po.." sagot ko.
"Nob-Nobleza..?!!" Tanung nito at umiwas ng tingin sa akin at isang pilit na ngiti ang sumilay sa labi nito.
"Iilan lamang ang may ganyang apelyedo dito sa San Isidro noon at ang pagkakaalam ko umalis na ang pamilya nila dito...maaari ko bang malaman kung anung pangalan ng father mo.?." sabi nito at pakiramdam ko hindi siya mapakali .
Hindi agad ako nakapagsalita dahil pinapakiramdaman ko lamang ito. Mukhang alam ko nadin ang tinatakbo ng usapan namin.
"Lemuel Nobleza.." seryuso kung sabi dito.
Napansin kung naikuyom nitong bigla ang mga kamay nito.
"Patawad kung sasabihin ko ito..pero hindi ka na dapat nakikipaglapit kay Briee.." nakayuko ito at blangkong nakatingin lamang sa center table sa harap nito.
"Alam ko po ang dahilan kung bakit niyo nasabi yan.." sabi ko. Napaangat ito ng tingin at matiim na nakatingin sa akin.
"Anung alam mo..?" Tanung nito na mas naging seryuso ang mukha
"Kung anung nakaraan ng mama ni Briee at ang.... Daddy ko.." Sagot ko.
Umayos ito ng upo at sumandal sa upuan.
" You already had the idea pero naging malapit ka padin kay Briee.." seryuso padin ang mukhang sabi nito.
"I am not my father..!" mariing Sagot ko sa kaniya.
"Then pano mu ipapaliwanag ang nangyarai kay Briee nakaraan, kahit hindi niya sinasabi sa akin alam kung may nangyayari at dahil nakikita ko siyang nasasaktan at madalas na umiiyak..hindi bat ikaw ang dahilan ng lahat ng yun.." matigas nitong sabi.
Hindi naman ako nakapagsalita at nanatiling tahimik nalang. Dahil alam ko sa sarili ko na kasalanan ko naman talaga yun. Naikuyom ko din ang mga kamay ko.
"Pag isipan mo Zacc ... Alam kung matalino ka...at alam kung alam mo kung ano ang makakabuti sa inyo ni Briee.." mahinahong sabi na nito.
Bago pa ako makasagot narinig kong paparating na si Briee.. at hindi nadin muling nagsalita ang Tita nito.
"Mukhang seryuso ang pinag uusapan niyo ah.." tanung ni Briee at umupo sa tabi ko.
"Ahm, pinag uusapan lamang namin ang tungkol sa graduation niyo.." sabi ni Tita Marie. Hindi na ako sumagot dahil, nagkaroon na naman ng bigat dito sa loob ko.
"Ipaghanda mo muna ang kaibigan mo Briee ng meryenda..bago umuwi.." pilit ang ngiti ng Tita nito.
"No..! Hindi na ho.. at hindi narin ako magtatagal.." sagot ko.
"Are you sure..?" Tanung ni Briee na nakakunot ang noo.
Hinawakan ko ang kamay nito at marahang hinaplos... "Yes..! "Sabi ko at ngumiti dito.
Tumayo ako at nagpaalam na sa Tita nito. Tango lang ang ganti nito sa akin.Nakasunod naman sa akin si Briee hanggang sa gate ng bahay nila.
"Mauuna na ako..magpahinga ka na.." sabi ko sa kaniya.
"Zacc.. may sinabi ba si Tita sa'yo.." curious na tanung nito.
"Nag advice lang.. natural lang naman na mag alala din siya sa 'yo.." sagot ko para mapanatag ang loob nito.
"Sigurado ka..I- I can talk to her..!" Sabi ni Briee.
"It's okay... Just relax and dont worry too much... I will do the thinking..Okay..just leave it to me.." sabi ko at hinalikan siya sa noo. Tumango naman ito at bahagyang ngumiti.
"Goodnight...I'll see you at school.." paalam ko at sumakay na sa motorsiklo ko.
MARIE POV
Nakatingin ako sa isang lumang larawan, matagal na ito sa akin at talagang tinatago ko ito. Picture ito ng kapatid kong si Melanie ang Ina ni Briee at ang dati nitong kasintahan na si Lemuel Nobleza, mapait akong ngumiti para sa dalawa.. This man didn't know dahil sa ginawa nito noon, nadadamay ang mga anak nila ngayun. Sadyang napakaliit ng mundo at pinagtagpo pa ulit ang anak ni Melanie at ni Lemuel. Ang ikanatatakot ko lang ay baka maulit sa kanila ang nangyari noon at masaktan ng husto si Briee. Nagpasya akong lumabas ng silid para kausapin si Briee at sakto namang kakabalik lang din nito galing sa labas.
"Anu man ang namamagitan sa inyo ni Zacc, mas makabubuting putulin niyo na.." Seryusong sabi ko sa kaniya. Ngunit nagtataka ako at mukhang hindi nito ininda ang sinabi ko.
"Anu man po ang nangyari noon Tita.. labas na kami ni Zacc doon." Mahinang sabi nito habang nakatingin sa akin. Hindi ako nakapagsalita at matiim lang na nakatingin sa kaniya.
"Alam na po namin ni Zacc ang tungkol sa nakaraan ng mga magulang namin..at naniniwala po ako na hindi po kami matutulad sa kanila." Paliwanag ni Briee.
Hindi na ako nagulat sa sinabi nito, dahil nabanggit na ni Zacc kanina na may alam nadin ito sa nakaraan at marahil nasabi nadin nito kay Briee, hindi ko alam kung paano nilang nalaman ang tungkol sa nakaraan... Pero hindi ganun kadali ang maging sitwasyun kung sakaling magkita ang mga magulang nila.Hinawakan ko ang kamay ni Briee at sinalubong ang mga tingin nito.
"Briee...alam kung pinag iisipan mo ang mga naging desisyun mo..pero gusto ko lang paalalahanan ka na hindi naging maganda ang paghihiwalay ng mama mo at ng papa ni Zacc. Masyadong nasaktan ang Mama mo noon na halos mas pipiliin niya pang mawala sa mundo kisa lumaban sa buhay...sana maging matatag ka kung sakaling darating ang panahon na mamagitan ang mga magulang niyo sa inyong dalawa...ayaw ko lang na makita kang masaktan tulad ng mama mo noon.." sabi ko sa kaniya.
"Tita.. huwag po kayung mag alala.. alam ko pong nag aalala lamang kayo sa akin.., pinapangako ko sa inyo na magiging matatag ako at mas pipiliin ko ang makakabuti kung sakaling dumating man ang panahon na yun." Malungkot itong nakangiti sa akin. Kaya tumango ako at niyakap ko nalang si Briee. Sa kabila ng mga nangyari noon nagkaroon ako ng dahilang magpatuloy sa buhay dahil kay Briee at masakit para sa akin na makita din itong nahihirapan.