“Lumabas na kayo, Ms. Vivoree at may gagawin pa kami ni Ms. Montecillo rito sa classroom,” pahayag ni Orzon sa akin, kaya naman pinukulan ko siya ng masamang tingin. Ngunit, tiningnan lang niya ako. Gusto ko sana siyang tanungin kung anong gagawin nila, pero baka bigyan malisya ni Clara kung magtatanong ako, lalo na at pinaratangan ako nito na may itinatago kaming relasyon ni Orzon. “Halika na, Girl dahil masama na tingin sa atin ni Sir Orzon. Mukhang wala talaga siya sa mood ngayon dahil ang talim ng tingin niya sa atin at hindi makabasag pinggan,” hila sa akin ni Rain. Nagtama pa ang mga mata namin ni Orzon, pero ni hindi man lang niya ako nginitihan. “Kainis ka, Orzon! Kainis ka!” sigaw ng isipan ko. Gusto kong magdabog, pero mahahalata rin ako ni Rain. Lumabas na kaming lahat,

