ORZON’S POV “Let’s date, Mahal,” ngiti na sambit ko at siniil ko nang halik si Vivoree dahil hindi ko kayang hindi damahin ang labi niya at napangiti ako dahil tinugon niya ang halik ko. Agad namang naghiwalay ang aming mga labi dahil baka may makakita sa amin dito, lalo na at nasa main kaming dalawa. “Balikan mo na si Clara at hintayin na lang kita ro’n sa Math department para hindi nilaa tayo makita,” ngiti na sambit niya. Tumango naman ako at pinuntahan ko na si Clara dahil baka mainip na ito. “Nakapag–isip ka na ba ng kanta para sa sayaw, Clara?” “Yes, Sir. Natagalan ho yata kayo,” tanong nito. “May sinabi lang ako kay Ms. Vivoree. Um, uwi na tayo at baka lalong lumakas ang ulan,” saad ko. Lumabas na kaming dalawa at may sundo naman ito. Pinuntahan ko na si Vivoree at nakasa

