“Yes, Hija dahil noong araw lang kaming nagkita ni Ninong Ordz mo at ang laki ng pinagbago niya. Pero, mahirap pa rin naman. Actually, on the way na raw siya, kaya maghanda ka na at lalabas na tayo,” sambit ni daddy sa akin at iniwan na ako. Sumilip ako sa labas, pero hindi ko pa nakita si Orzon. Kinuha ko ang phone ko, para tawagan siya, pero hindi naman nya sinasagot ang tawag ko. Muli kong tinawagan ang phone niya sa pangalawang beses nang sagutin niya na ito. “Nasa’n ka na, Mahal?” tanong ko. “On the way na ‘ko, Mahal, pero baka mali–late ako dahil may pupuntahan din akong birthday ngayon. At diyan din sa subdivision ninyo. Um, tawagan na lang kita kung papunta na ‘ko riyan, ha. Again, happy birthday, Mahal ko. Enjoy the night and I’m so excited to see you dahil alam kong napakag

