Amber is wearing Black two piece while Janna is wearing Red two piece. "Wow naman! Ako na yata ang pinaka-maswerteng lalaki ngayon. Isang Amber Tuazon na isang kilalang model at isang Jannaya Lopez na soon to be a model!" Sumipol pa si Aga. Pinalo ni Jannaya ang tubig sa tabi ni Aga. Kaya naman natalsikan ito ng tubig sa mukha. "I told you, Janna. Pwede kang mag-model. Pwede kitang ipakilala sa agency ko kapag interesado ka," sabat ni Amber. "Naku, Amber. Sapat nang nakikita kita sa magazine. Hindi ko kaya na makita ang sarili sa mga ganyan." Winisikan ni Aga ng tubig si Janna sa mukha. "Huwag ka ng magdalawang isip. Hindi malabong maging sikat ka rin gaya ni Amber." Ginantihan naman siya ni Janna. "Ayoko nga!" At sabay-sabay pa silang nagwisikan ng tubig sa mukha. Madidinig

