Nahinto ang pag-iisip ni Rayden nang mag-ring ang kanyang telepono. Tinignan niya muna si Sarah sa kanyang tabi bago sinagot ang tawag. "Kit? Napatawag ka?" "Narito ako sa Mansion mo. May importante akong ipapakita sa iyo. Mayroon ulit akong ebidensiya na magdidiin na talagang si Jannaya ang may pakana ng pagkawala ni Eunice." Hindi nakasagot si Rayden. Tinignan niya muna ang silid na pinagpasukan kay Jannaya at mataman lang itong pinagmasdan. "Bro? Still there?" "Iwan mo na lang sa office table ko. I'll check later." "Nasaan ka ba? Marami pa kasi akong ipapali-" "--Just f*cking leave it to my office table, Kit! Thank you!" Mabilis niyang pinatay ang kabilang linya. "I can hear it from here, Rayden. New evidence? Hindi ko alam kung saan nakukuha ni Kit ang mga ebidensya na

