DINALA ni Augustus si Melanie sa condominium unit niya sa Rockwell Tower. Doon ay inasikaso niya nito. Pinapanligo, pinakain. Hindi niya pinabayaan si Melanie hanggang hindi pa ito nagiging komportable at kalmado. Pinatawag rin niya ito sa mga magulang nito para masabi sa mga ito ang lagay ng dalaga. Malapit ng maggabi at napagpasyahan na lang nila na huwag na itong umuwi dahil mahirap magbiyahe sa ganoong oras. Bukas ng umaga na lang niya ito uuwi. Dahil may tiwala ang mga magulang ni Melanie kay Augustus, pumayag ang mga ito. "Okay ka na?" wika niya pagkatapos niyang gawin ang mga bagay na sa tingin niya ay kailangan nito. Umiling si Melanie. "Gusto kong mag-inom," Tumaas ang isang kilay ni Augustus. "Hindi ka umiinom," "Alam ko. Pero sa tingin ko ay kailangan ko ngayon ng ga

