KINABUKASAN, hinayaan ni Lancelotte na rumagasa ang tubig na nagmumula sa shower at hayaang mababad sa tubig ang hubad niyang katawan. “She's Santiara Marasigan, Mister Smith! Ulilang lubos. Lumaki sa orphanage at hindi nakapagtapos sa pag- aaral,” naalala niyang sabi ni Mister Asero nang pinapa-background check niya ito. He combed his hair with his fingers. Kagabi pa siya binabagabag at hindi naging maayos ang kanyang pagtulog dahil naiisip niya ang mukha ni Santiara. Para bang hindi niya kilala ang sarili, and he hate this weird feelings. Magmula kasi nang makilala niya si Santiara ay nabuhay ang interest nitong makilala pa ito nang lubusan na hindi niya naman nakaugaliang gawain. “Heist! This is frecking insane! The h*ll is running on your mind, Lance!” bulyaw niya sa kaniyang sar

