NAG-IWAS kaagad nang tingin si Santiara, nang tinapunan siya ng seryosong tingin ng binatang kaharap. Tinititigan nito ang hawak na damit, malinis ito ngunit, makikita sa mukha ng lalaki ang pagkairita dahil, na rin siguro sa sinuot ito ng hindi kilalang tao. “Pa-pasensya na, sir. Pinapatuyo ko iyan kanina, at nakalimutan kong ilagay sa loob.” “It’s okay. Here, take this! Hindi ko na kailangan 'yan.” Biglang nasalo kaagad ni Santiara ang damit habang gulat na gulat. Hindi tuloy siya makapagsalita nang makita ang pagkunot-noo ng kaharap. “Dahil, hindi mo iningatan ‘yan. You need to pay me,” seryosong sabi nito. Halos malaglag ang panga ni Santiara dahil sa sinabi ng kaharap. Tama ba ang pagkakarinig niya, kailangan niyang bayaran ito. “Sir, Pe-pero po…wa-wala po akong pera. ‘Tsaka,

