Hinagod ni Lancelotte ang ibabang labi gamit ang kaniyang hinlalaki nang matanggap niya ang pinadalang litrato ni Mister Asero. Litratong kuha ng babaeng pinapasundan niya rito. Hindi niya alam pero tila naging interesado siya sa dalaga. Kalaunan din ay nagpasya siyang tawagan si Mister Asero para tanungin kung nasaan na ito ngayon. Nasa Greek Cuisine Restaurant sa mga sandaling iyon ang katawagan. “Nagawa ko na ang pinag-uutos mo, Mister Smith! Wala siya sa mga oras na ito kung kaya pinapatawag pa ng manager,” “Good! Just keep watching her, may gagawin pa ako!” maawtoridad ang boses na sambit niya. Binabaan niya ng tawag ang kausap bago nito tinahak papalabas ang building. Sakay ang kanyang kotse ay pinasibad ito palayo. NANAKIT ang likod na binanlawan ni Santiara ang mabigat na T

