CHAPTER 3

1378 Words
KINABUKASAN, kasalukuyang inaayos ni Santiara ang kaniyang sarili sa harap ng malapad na salamin ay napahugot siya nang malalim na buntonghininga. Naging mas mahirap ang trabano niya dahil wala na siyang day off at wala na rin siyang sasahurin sa buong buwan. Sinadya ng manager na pahirapan siya dahil sa nagawa niya noong nakaraan. Lahat ay ginawa na niya at sinunod ngunit, kulang pa rin iyon. Ang pag-alalang iyon ay nagpapaalala sa kanya sa isang bagay—ang puting sobreng naglalaman ng malaking halaga ng pera. Kaagad niyang tinungo ang locker, kinuha niya ang kanyang bag at saka ito binuksan. Nanlaki ang kaniyang mga mata nang muli itong masilayan. “Diyos ko, Lord!” naibulalas niya. Naiiyak siya sa tuwa ng sa wakas ay may maipambayad na siya ng kanyang mga utang at renta sa apartment na tinitirhan. Lubos din ang pasasalamat niya sa matandang nagbigay sa kanya ng pera. “Miss Marasigan,” tawag sa kanya ng katrabaho niya. “Kanina pa kita hinahanap, nandito ka lang pala,” patuloy nito. Ngumiti rito si Santiara at muli niyang ibinalik sa loob ng kanyang bag ang sobre at tinago iyon nang maayos. “Pasensya na, may hinahanap lang ako,” tipid niyang tugon. “Ano ba ang sadya mo?” Usisa niya. “Pinapatawag ka ni sir, may iuutos siguro sayo,” sagot nito ’tsaka nagpaalam. “Mauna na ako, bilisan mo ha! Baka magmala-dragon na naman iyon,” nangingiti nitong paalam sa kanya bagay na ikinatawa niya nang mahina. “Sige, salamat,” tanging sagot niya at saka inayos ang kaniyang sarili. Matapos ang pag-uusap nila ng kanyang ka-trabaho ay tinungo niya ang opisina ng kanilang manager. Kinakabahan man nang matindi ngunit, kinailangan niyang harapin ito kahit nanginginig ang kaniyang mga kamay at kalamnan dahil, na rin sa maraming palaisipan na pumapasok sa kaniyang isipan. “Paano kung tatanggalin na ako? Huwag naman sana, sana iba na lang,” “Paano kung ipapakulong niya ako? Diyos ko, wala akong pampyansa,” Malalim na buntonghininga muli ang kanyang pinakawalan nang tumapat na siya sa harap ng pinto. Isang beses pa man siyang kumatok ay narinig na niya agad ang boses ng boss niya mula sa loob na nag-uutos na siya ay pumasok. Nanginginig ang kamay nang pihitin niya ang siradura. Pagbukas niya sa pinto ay nakaabang sa kanya ang estriktong mukha ng manager. Tila tinakasan siya ng kaniyang kaluluwa nang titigan siya nito nang seryoso. “Take a sit, Miss Marasigan,” utos nito sa kaniya. Kaagad naman siyang tumalima at naupo sa bakanteng silya. “Kaya kita ipinatawag dahil doon sa nakaraang araw. Well, I want to apologize dahil, napasobra ako sa sinabi ko,” senserong sabi ng manager sabay lapag nito ng maliit na kulay brown na sobre. “Here is your salary, Miss Marasigan, nakita ko kung gaano ka kapursigido sa trabaho mo.” Nangingilid ang luha sa mga mata ni Santiara dahil sa saya. Biglaan nabura ang agam-agam sa kaniyang isipan kanina lang. Nabuhay ang nagtulog-tulogan niyang kaluluwa. “Maraming salamat, sir!” masayang sambit niya. “It's okay! You can leave now. Kapag naulit ang nangyari, I will not hesitate to fire you. Understand?” Mahina at nagpapaalalang saad ng kausap niya. Tumango si Santiara at saka malawak na napangiti rito. “Tatandaan ko, sir. Thank you po,” nakangiting sagot niya bago nagpaalam. Humakbang patungong dining area si Santiara. Kapaansin-pansin din ang pag-aliwalas ng kaniyang mukha bagay na ikinapuna ni lvory, kasamahan niya sa trabaho. “Ang lapad ng ngiti ah! Bati na ba kayo ni Sir Dragon?” nakangising usisa nito. “Oo naman,” tipid niyang sagot din. “Mabuti naman, oh! Siyanga pala, kanina pa may naghahanap sayo,” hintong ani lvory, “Mukhang magandang pang-sugar-daddy!” natatawang bulong nito. Natawa si Santiara at nailing din, “Wala akong kakilala na mayaman, kaya kalma,” nakangising sagot niya. Pinaikot ni lvory ang kaniyang mga eyeballs sabay hawak sa mukna niya at iniharap sa lalaking tinutukoy nito. “See! lyon siya, oh! Infairness, mukhang may asim pa. Tara, samahan na kita,” pangungulit nitong sabi bagay na ikinatampal nang mahina rito ni Santiara. “Heh! Dito ka lang,” Napanguso si lvory at wala ng nagawa pa nang humakbang palabas si Santiara. Sinilip ni Santiara ang labas bago niya nilapitan ang matanda. Nang malapitan niya ito ay nag-angat ng mukha ang matandang lalaki at isang tipid na ngiti ang iginawad sa kaniya. “Kumusta, manong? Ano pong gusto ninyong orderan?” tanong niya rito. Inabot ng matanda ang Greek Cuisine Menu at binuklat iyon. “Tamang-tama! Mukhang mga masarap ang pagkain dito, hmp. . .” sabi nito at nag-iisip kung alin sa mga nakalagay sa menu ang o-orderin. Napangiti si Santiara, “Isa po sa specialties namin dito ang souvlatsidliko o gyros pita,” paliwanag niya sa matanda. Itinuro niya sa menu kung ano iyon. Napangiti ang matanda at napatango. “Sige, bigyan mo ako nito, good for two. Take Out!” sabi nito bagay na ikinatalima niya at kaagad na naglakad patungong service area. Hindi umabot ng ilang minuto ay muling bumalik si Santiara, at dala na nito ang inorder ng matanda. Nakangiti niyang inilapag ito sa ibabaw ng mesa. “Here’s your order, sir. Don’t mind the bills. Ako na po ang magbabayad, bilang pasasalamat ko na rin sayo sa pagtulong sa akin,” sinserong sabi niya ng akmang bubuksan ng matanda ang makapal na wallet nito. Ngumiti sa kanya ang matanda at saka ito tumayo. “Bueno, maraming salamat. Pero, puwede mo bang ihatid ito doon sa sasakyang iyon?” pakiusap nito bagay na ikinatigil niya saglit at kalaunan ay pumayag din. Bitbit ang dalawang inorder ng matanda ay tinungo niya ang kulay dilaw na mamahaling sasakyan. Sobra siyang namangha sa nakita. Makintab ito, na pati langaw ay mahihiyang tumuntong. “Bigtime si Manong! Ang suwerte naman ng mga anak niya,” naiusal niya. Hindi niya napigilan ang sariling titigan ang sasakyan nang tumapat siya sa pinto. Minasdan niya ang kaniyang sarili, bigla naman siyang nahiya. “Para naman akong manang nito, ang haggard ng mukha ko,” naisatinig niya at bahagyang nanalamin. Inayos ang sarili habang ngumingiti at saka kinapa ang liptint sa bulsa ng kanyang suot na apron at nilagyan ang labi. Tumigil din nang makalapit sa kanya ang matanda. “Heto po, Manong,” aniya at iniabot rito ang hawak bagay na ikinangiti sa kanya ng matanda. “Salamat, hija,” sagot nito sabay bukas sa pintuan ng sasakyan. Nanlaki at nagimbal siya sa nakita. Tila, nayanig ang kaniyang utak nang magtama ang kanilang mga mata ng lalaking nakaupo sa loob ng sasakyan na iyon. Nawalan ng kulay ang kaniyang mukha at hindi na alam ang gagawin nang nginisihan siya nito nang nakakaloko. “Mister Asero, sa susunod. . . huwag kung sinu-sino ang utusan mo,” mapanglait naisatinig ng lalaki. Lalong nahiya sa sitwasyon niya si Santiara at lalong naiyuko ang kaniyang ulo dahil, sa kahihiyan. Naikuyom niya ang kaniyang mga kamao at hindi na magawang ihakbang pa ang kaniyang mga paa. “Pa-pasensya na po,” nauutal niyang sagot sa binata. Nang mag-angat siya ng mukha ay nginitian siya ng matanda bagay na ikinahinga niya nang maluwag. “Sa susunod ulit hija,” pambalewalang saad ng matanda bagay na ikinangiti niya nang tipid dito. Kaagad siyang tumalikod at malalaki ang mga hakbang na nilayuan ang sasakyan na iyon. Mabilis ang t***k ng kaniyang puso at hindi niya makuha kung bakit. Baka nga, sa labis na kaba at hiya kaya ganun na lang kung magwala ito. “Hayst! Tanga lang self? Bakit hindi man lang pumasok diyan sa laman ng isipan mo na tinted iyon? Juskolord, nakakahiya!” mangiyak-ngiyak niyang saway sa sarili sabay gulo sa sariling buhok. Natampal niya nang hindi sinasadya ang sariling pisngi. Hanggang sa natigilan siya nang marinig niya ang boses ni lvory na pati ito ay natakot sa kanya. Kaagad siyang napabitaw mula sana sa pagsakal sa sarili at ngumiti na lamang rito. “Okay ka lang?” nauutal usisa ni Ivory at bakas sa boses nito ang pangamba. “Oo—pasensya ka na, wala ’to! Huwag mo akong intindihin.” Napatango nang wala sa oras si Ivory at isang pilit na ngiti ang kanyang inilabas.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD