Kabanata 2

565 Words
THIRD PERSON POV 5 years ago Bumaba sa dyip ang isang dalagang nagmamadali. Katamtaman ang tangkad, morena ang kutis, medyo itim ang buhok. First day of school ni Bernadette Smith sa isang university. Nabigyan siya ng pagkakataong makapag aral doon dahil sa taglay niyang kakayahan. Simpleng mamamayan ang kanilang pamilya kung kaya't nag pursige itong mag aral upang matupad ang kaniyang mga pangrap sa buhay. "Gabayan niyo po ako sa panibagong yugto ng buhay ko," dasal ni Bernadette sa kaniyang isipan habang daklop ang dalawang palad. Damping hinalikan ang mga ito bago muling ibalik ang atensyon sa kaniyang dinaraanan. Habang nag lalakad patungo sa kaniyang assigned class room, inililibot ni Bernadette ang kaniyang paningin sa mga nag gagandahang imprastraktura ng unibersidad. Marami ang mga students ng paaralan na ito. Natapat sa dako ng mga classrooms ang kaniyang mga mata upang mahanap na ang silid aralan, baka kasi first day niya ay mahuli pa siya sa klase lalo na at siya ay isang scholar at kinakailangan na maging consistent ang good record. "Anak ng tatlong pitugo!!!," gulat na turan ng dalaga. Bigla nalang kasing may yumakap sa kaniyang likuran. "Don't move, come with me," bulong ng 'di kilalang binata. "Aba't simmmmm," protesta ni Bernadette. Ngunit tinakpan ang kaniyang bibig gamit ang isang kamay ng taong nakayakap sa kaniya ngayon. Nag pupumilit si Bernadette na maka alalis sa bisig ng lalaki. "I won't bite, just come! ," pag singhal ng lalaki. Nag aagaw na ng atensyon ang dako nila kung kaya't sumang ayon nalang ang dalaga. Habang yakap ng binata ang kaniyang likuran ay nag lakad sila patungo sa isang lugar na walang tao ang makakakita sa kanila. "Anong problema mo? Bakit bigla bigla ka nalang nangyayakap? Manyak ka ba? Hindi mo ba alammm..." turan ng dilag na mala armalite niyang bibig. "Just f*****g listen first!" sigaw ng lalaki. "I saw stain behind you that's why I tried to cover your back and there goes your blah ba blah ughhhh," ekplanasyon ng lalaki. Tutop ang bibig ni Bernadette habang pinagmamasdan ang binatang nag sasalita. Matangkad mga 6 ft ang laki, fair skin, itim na buhok naka clean cut ito na lalong nag bigay ng gwapong hitsura nito. Imagine napaka ideal man ng bultong pero... ang ARTE. Ewan ba niya sa kaniyang sarili at hindi man lang naisip na mag baon ng pantapal. Nakakalimutan niya kasi kung kailan siya magkaroon ng menstruation. Napansin ni Bernadette na biglang tumigil ang lalaki sa kaniyang harapan. "Anong pangalan mo?," naka ngiting tanong ni Bernadette, nagulat din siya sa kaniyang nasabi at napaisip kung bakit niya ito tinanong. "Ang burloy mo talaga Bernadette, mukhang kang ewan tuloy," singhal sa sarili. "Tsk. Marco," sagot ng lalaki sabay lahad ng kamay nito sa kaniya. Mukha na siyang kamatis ngayon sa sobrang init at pula ng magkabila niyang pisngi. Nanginginig na nanlalamig niyang inilahad ang kaniyang kamay sa lalaki. "A-ako n-nman si B-bernadette," hindi niya malaman kung bakit para siyang batang nag tatapat ng pag-ibig sa crush niya. Dahil sa gestures niya ay napangisi ang binatang nag ngangalang Marco. "Umh freshie?" tanong nito na ikinayuko niya sabay tango. "I see, well Bernadette it was nice meeting you, see you around," paalam ni Marco. Naiwan si Bernadette na parang istatwang namumula ang mga pisngi sa mukha. Hindi nito naiwasang pigilan ang kilig. Sa abot ng makakaya ay kinagat ang ibabang labi para iwasan ang pag tili.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD