DATE
Lumapit ako sa sasakyan ni Marco ng lumabas siya from nowhere, I can call him Marco from nowhere. Sa sobrang dilim 'di ko alam saan siya naggaling at sumulpot nalang sa harap ko. Inabot niya sa akin ang bungkos ng makukulay at mabangong bulaklak. Kinuha niya naman ang kamay ko at hinalikan ito. He guided me at the back part of his pickup truck. Naka set ito sa malamyang kulay ng mga ilaw, may malambot na blanket na napalilibutan ng mga unan, sa gitna naman ay mayroong maliit na lamesang mayroong chocolate hot fudge sundae, fries na paborito ko at carbonara and a box of pizza na favorite ni Marco. He indulged ourselves with the food and lovely conversation.
"I am happy to meet you Marco," I uttered
"I'm glad you do," he said "I have an idea, what if we play..."
"Play what?"
"Playyy yung we will be throwing each other pickup lines whoever smiles or laughs, you lose," he explained. This guy, really
"What will be the consequence?" I asked him
"The loser will talk with that man right there," he pointed. "The loser will convey him tapos asarin mo babe, kapag nainis then dare is done." he laughs.
"That's mean Marco," I told him
"It's a dare babe," he winked "Game, you go first."
"Okay. C-R-S-H see it's not complete without U," I said. Andaya bakit wala man lang kahit anong reaction. He remained calm.
"My turn. Did you know that according to Republic Act. No. 10344 'Stealing is a crime' so why did you steal my heart?" Marco waited for my reaction but noo.
"My turn. I don't use google anymore... cause the search is over." he stared at me while nodding his head. "Ngingiti na yan HAHAHAHAHA, alright your up." O told him.
"Kung ang English ng sibuyas ay onion," sabi niya
"Tapos?"
He smiled "Yung height mo parang minions," he laughed now sa loud but I can't lose I bite my lips so hard para pigilan yung pagka hawa ko sa tawa niya.
"Tinamaan ka?" he asked
"Hin~" He smirked then...
"Ako tinamaan, tinamaan sa'yo," then wink. My blood quickly run on to my face, now I feel that I'm blushing. Hindi ko mapigilan yung pag ngiti ko kasi kinikilig na ako.
"Smooth," he laughed so hard repeating again and again. "A dare is a dare mi amore" he reminded me the consequence. Kailangan kong gawin ito for fun. May araw ka din sa akin lalaki ka. Tumayo ako at nilapitan yung tinutukoy ni Marco kanina.
"Uhm excuse me," I uttered, lumingon naman kaagad yung lalaki.
"Can I ask a question?"
"Yes, ano po yun?" tanong nito then I gulped before proceeding.
"Kuya in a relationship ka po ba?"
"I have a wife miss," he said and I nodded
"Kapag po nag aaway kayo ni Misis saan po kayo natutulog? Sa labas ng kwarto o sa egg tray?" kahit ako hindi ko mapigilan yung pag tawa ko. Nag iba yung mood ni Kuya na kanina naka ngiti naging seryoso. Then I cleared my throat.
"I am really sorry Kuya, dare po ito sa akin ng lalaking yun kuya yung naka sandal sa sasakyan na iyon. Pasensya na po." paliwanag ko. Humalakhak si Kuya. "Baka itanong mo din kung may mag reregalo sa akin ng suklay ano magiging reaction ko?" saad pa nito. Napa ngiti nalang ako at humingi na dispensa. Bumalik ako kay Marco.
"Ano bang problema mo kay kuya?" tanong ko sa kaniya.
"Naka pila ako kanina tapos may kumalabit sa akin kaya lumingon ako. Pag balik ng tingin ko sa harap naka singit na yung kalbong yun." inis na sabi ni Marco. Napatawa nalang ako sa kaniya.
Hinatid na niya ako sa bahay namin. Masaya akong kasama siya, pero ayaw kong mag alala pa siya sa magulang ko. Kaya as usual hinintay ko muna siyang maka alis bago tumawag ng taxi at umuwi sa bahay nila tita Margarita.