"Bilib na talaga ako sa inyo. Lagyan natin dito ng upuan at heart sa likod. Para kapag nagpapicture sila ay may magandang background. And let us put their initials at the back also," masayang sabi ko dito. "Wow oo nga tama, para kahit tumanda na sila ay hindi nila makakalimutan ang isa't isa, hahaha," kinikilig na sabi ni Tricia. "Sandali aalis muna ako at bibili ng meryenda natin," sabi ni Ric. "Ric gusto ko ng masarap na snack ha," bilin ni Tricia. "Demanding!" natatawang sabi ni Ric. "Ito naman paminsan minsan lang naman ako maglambing hahaha," tawa nito. "Naku Sofia, noon na wala ka, parang walang sigla din 'yang si Ric. Hindi mo nga masyadong makausap kasi parang parating nag-iisip. Syanga pala, alam mo na ba ang balita? Binili na daw itong school natin at ang yaman ng nakabili,

