Ngayon na ang araw ng alis ni Prince. Kompleto ang lahat ng pamilya. Hindi ko alam kung paano ko itatago ang nararamdaman ko. Ayoko kong umiyak pero naiiyak ako kaya tumakas na lamang ako para hindi nila makita ang pag-iyak ko. Pumunta ako ng CR. And sabi ko sumakit ang tyan ko. Alam ko pagdating ko wala na si Prince at nakapasok na. Hindi ko na din kailangan na magpaalam. Ngayon ko lang narealized na hindi ko pala gusto ang goodbyes. Masakit sa puso. Nakakalungkot. Pagtingin ko sa relo ko ay alam ko na nakapasok na sa loob si Prince kaya lumabas na agad ako sa cubicle pero laking gulat ko ng nakasandal pala sa cubicle ng babae si Prince. "Kuya! Bakit ka nandito!" gulat na tanong ko habang patagong pinupunasan ang mga luha ko. "Sinasabi ko na nga ba eh na magtatago ka at iiyak," natataw

