Krissia's POV Nasa likod ako ng sasakyan pagkatapos akong palipatin ni Prince. Inaamin ko kasi pwesto ko ang harapan at wala pang ibang nakaupo na kahit sino sa front seat katabi ni Prince kundi ako lang. Kaya ng sabihin ni Prince na lumipat ako sa likod ay nagulat ako at nainis. Hindi ko alam ang nararamdaman ko sa oras na ito. Para akong walang gana kung sumagot sa mga kaibigan ko. Naiinis ako na nakikinig kina Prince at Minerva na masayang nagkukwentuhan. Dapat kami lang ang manood ng sine pero dahil tumawag si Prince at masungit na naman eh pinasama ko nalang. "Hey Krissia. Is Maynard already at the mall?" tanong sa akin ng isa ko pang kaibigan. "I don't know, maybe," walang gana kung sagot. "Kasama si Maynard sa lakad nyo? I thought all girls movie out lang ito?" tanong sa akin n

