Prince POV Nasa gilid ako ng kalsada nag-aantay na dumating si Krissia. Alam ko na hindi pa ito umuuwi based sa sabi ng guard. Pagkakita ko na may paparating na kotse ay alam ko na sasakyan ito ni Maynard. Hinarangan ko agad ito dahil sa sobrang inis ko. Mas lalo akong nainis dahil sa pinagsasabi nito na pinayagan itong umattend ng party ni Leon. Ang nakakatandang kapatid ni Maynard. Alam kong ultimate crush ito ni Krissia dahil parati si Krissia na nakatitig dito kapag hindi ito nakatingin. At malapit din si Leon kay Krissia. Infact naiinis nga ako dahil panay lambing ito kay Krissia sa pamamagitan ng parati nitong panggugulo sa buhok ni Krissia. Umatras ako ng pumasok si Krissia sa sasakyan umalis. Pagdating ko ng bahay ay kompleto ang pamilya pati narin sina Tito Michael. "O anak

