"Daddy?!" dinig kong sigaw ng isang maliit na bata. I turned my head towards the direction of the voice. It was a cute little girl happily running towards her father who had just arrived. "Baby! Ang cute naman ng anak ko. Where is Mommy?" tanong nito. "Mommy is over there Daddy," masayang sabi nito. "Mommy! Daddy is here!" tawag nito sa Mommy nito na masayang nakangiti din habang papalapit sa kanila. Kung nabubuhay lang sana ang anak ko ay ganito na ito kalaki. May kurot ako naramdaman sa puso ko ng maalala ko ang mga nangyari. Kung hindi lang talaga naging magulo ang sitwasyon namin ay hindi sana ito nadamay. "Marcus? Let's go at kanina pa nila tayo inaantay," sabi ni Sash. Ipinagpatuloy namin ang paglalakad papuntang ballroom kung saan nandoon ang aming mga kausap. "Welcome, wel

